Saan aabot ang 30 Pesos mo? Ito ang inabot ng dalawang lalaki sa Davao dahil sa maliit na halaga!

Saan aabot ang 30 Pesos mo? Ito ang inabot ng dalawang lalaki sa Davao dahil sa maliit na halaga!

- Isang nakawiwindang na pangyayari ang naganap sa dalawang lalaki sa Davao matapos pagtalunan ang isang maliit na halaga ng pera

- Ayon sa mga nakasaksi at nakaalam sa dahilan ng insidente, nagsuntukan ang dalawa dahil sa hindi pagkakaunawan sa hatian ng 30 Pesos na kinita sa pagle-lettering

- Umano'y 5 piso lang daw ang binigay sa kanyang kasama kung kaya'y nagkainitan ito at dinala sa pisikalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kapag pera na ang pinag-uusapan ay dapat tayong maging seryoso dahil hindi ito basta pinupulot at hindi rin madaling kitain kahit maliit pa. Ika nga, dinadaan ito sa mabuting usapan. Pero ibahin niyo ang kwento ng dalawang Davaoeño na ito!

Nalaman ng KAMI na may kumalat na viral na video sa social media dahil sa dalawang lalaki mula sa Davao na pinag-awayan ang ikinagulat ng marami.

Napakaraming netizens ang natawa, naasar, at hindi mawari ang kanilang pakiramdam dahil sa umano'y kababawan ng dalawang lalaki.

Ayon sa mga nakasaksi, hindi raw napigilan ng dalawa na magkasakitan, na nauwi sa matinding suntukan dahil sa kakarampot na pera.

Ang halaga? Tatlumpung piso! Oo, ito ang ugat ng kanilang pag-aaway dahil sa umano'y hindi patas na hatian na ginawa ng isa sa mga hindi pa nakikilalang mga lalaki.

Ani witnesses, kinita raw nilang dalawa ang 30 pesos sa paggawa ng lettering para sa isang emission center sa Davao.

Halu-halo naman ang naging reaksyon ng netizens sa nasabing viral video. Panoorin sa ibaba ang nasabing video ng dalawang atapang-atao na inabot ang kanilang 30 pesos ng suntukan sa daan:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel