Emosyonal na dating adik sa viral video, masaya sa kanyang bagong buhay

Emosyonal na dating adik sa viral video, masaya sa kanyang bagong buhay

- Nag-viral ang video ng dating adik na nagsunog ng motorsiklo kung saan nanawagan siya kay pangulong Duterte para sa isa pang pagkakataon sa kanyang buhay

- Nakalaya na ang nakilalang si Adonis Ducot matapos iurong ang kaso sa kanya

- Bagaman at pagtitinda ng hopia ang kanyang kinabubuhay, laking pasalamat pa rin niya sa pangalawang pagtataon na naibigay sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan nang gumawa ng ingay sa social media ang video ni Adonis Ducot, suspek sa pagsusunog ng motosiklo dala ng pagkalilong sa masamang bisyo.

Maaalalang naging emosyonal pa si Adonis nang magmakaawang siyang bigyan pa ng isang pagkakataon ng maayos ang kanyang buhay.

Nagkataong iniurong ang reklamo sa kanya dahilan para siya ay makalaya.

Di raw sinayang ni Adonis ang pagkakataon na ito at talagang nagbagong buhay na siya.

Binahagi ng netizen at nahagi ng TV5 na si Jen Calimon ang naging di inaasahan niyang panayam kay Adonis.

Nalaman niyang lumapit pa pala sa lokal na pamahalaan ng Maynila si Adonis upang mabigyan ito ng trabaho. Ngunit sa kadahilanang di niya maibigay ang ilang dokumento na kinakailangan, di pa rin siya nakahanap ng trabaho.

Nakita ni Jen si Adonis na nagtatrafik, habang nagtitinda ng hopia. Simple man ang kinabubuhay, masaya parin daw si Adonis na nabigyan siya ng isa pang pagkakataon na ayusin ang kanyang buhay.

Samantala, natuwa naman ang mga netizens sa paninidigan ni Adonis sa pinangako niyang pagbabago. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ayos yan kuya ang pagbabago ay nasa tao wag umasa sa mga tulong ng kong kanino man...tulungan ang sarili para mamuhay ng marangal mabuhay ka kabayan"

"Mabuhay ka kuya tuloy tuloy nyo lang po yan"

"Every one deserve second chances.dto kc minsan sa pinas napagbyaran mo n ang kasalanan mo. Ganun p din tingin sau... Hayzzz"

" wish you will and good luck God bless you kuya faith and trust to god no matter what"

"Pag gusto talaga ng tao mgbago pwede tlga..pinatunayan yan ni kuya..good job kuya..congrats sa bagong buhay"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel