Ama ng napatay ng isang adik, binatikos ang simbahan dahil sa human rights

Ama ng napatay ng isang adik, binatikos ang simbahan dahil sa human rights

- Buong tapang na hinayag ni Niño Vilan Piñeroa ang saloobin niya sa simbahan dahil sa paninidigan nito sa human rights

- Si Niño ay ama ng napaslang di umano ng isang adik noong Abril ng nakaraang taon

- Samu't saring reaksyon ang hinayag ng mga netizen na may iba't ibang paninidigan sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng netizen na si Niño Vilan Piñero, nagpakilalang ama ng isang napaslang ng adik noong nakaraang taon.

Nalamang ng KAMI na sinaksak di umano ng isang adik ang anak ni Niño na si Jan Nicole R. Piñero na ikinaguho ng mundo niya bilang ama nito.

Sa post, tinawag din ni Niño ang atensyon ni Neri Colmenares na isang Humanrights lawyer at aktibista. Minsan na kasing gumawa ng ingay ito at ang simbahan na tila bumabatikos sa Oplan Tokhang ng pamahalaan kontra droga.

Ayon sa mga grupong ito, karapatan paring mabuhay ng mga sinasabing adik at di makatarungang sila ay paslangin na lamang.

Ngunit sigaw naman ng ama ng biktima ng napaslang ng adik, paano naman ang inosenteng buhay gaya na lamang ng kay Jan Nicole na maayos na namumuhay na basta na lamang na lamang napaslang ng taong lango sa pinagbabawal na gamot.

Dagdag pa ng ama ng biktima, kulang na kulang daw sa imbestigasyon ang mga walang awang napatay ng mga halang na kaluluwang sabog sa ipinagbabawal ng gamot.

Katunayan, sila pa raw mga pamilya ng totoong biktima ang siyang nanahimik na humihiyaw ng hustisya.

Samantala, narito ang iba't ibang reaksyon ng mga netizens:

"Kung hindi talaga masugpo ang droga lagyan nalang ng lason para wala ng kahirap hirap sa paghuli sa kanila kaagad tiguk cla.."

"kailangan na talaga maipasa ang death penalty sa bansa ."

"Mauubos din mga Addict na yan.. Matatauhan mga taga CHR.. CBCP.. AT MGA HINDI SUMOSUPORTA SA PROGRAM NG WAR ONDRUGS.. pag sila na mismo mabiktima.."

"Sana bumalik na ang death penalty (firing squad) baka sakaling bumagsak ang % ng krimen sa bansa. Isama nrin yung mga ulupong sa gobyerno. Nakikiramay po ako sa inyo, Sir."

"For me drug addicts have no hhuman rights. Sa pag gamit lng nila ng drug ibig sbihin nagwaive n cla ng human rights nila"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel