Jose Mari Chan, hinarana ng "Christmas in our hearts" ang mga tao sa food court sa isang mall

Jose Mari Chan, hinarana ng "Christmas in our hearts" ang mga tao sa food court sa isang mall

- Viral ngayon ang video ng Filipino-chinese singer na si Jose Mari Chan nang surpresahin niya ang mga kumakain sa food court sa isang mall sa Maynila

- Kinanta niya ang popular niyang pamaskong awit na "Christmas in our hearts" na labis na ikinagulat ng mga kumakain sa food court

- Dahil simula na raw ng "ber" months, kaya naman simula na rin ng Christmas season sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang nakaka-good vibes na video ng Filipno-Chinese singer na si Jose Mari Chan nang surpresahin niya ang mga kumakain sa food court sa isang mall.

Nalaman ng KAMI na dahil sa "ber" month na, at naglipana ang mga meme ng singer, tila tinotoo ng SM Megamall na pakantahin na si Jose Mari Chan ng kanyang popular na Christmas song na "Christmas in our hearts".

Makikita sa video na in-upload ng netizen na may pangalang Choco Martin na habang kumakanta, umiikot si Jose Mari sa mga kumakain sa food court.

May ilan pa nga siyang nilapitan at nakikanta pa sa kanya.

Tuwang tuwa naman ang ibang mga nakakita sa kanya at nakipag-selfie pa sa singer.

Tila ba naging simbolo na rin ng pasko sa Pilipinas ang popular na kanta ni Jose Mari Chan na nagiging hudyat na ng simula ng "ber months" o Christmas season sa ating bansa.

Samantala, tuwang tuwa ang mga netizen sa video. Ang iba, nanghihinayang pa na sana raw ay nakadaan sila sa nasabing mall at sana ay nakikanta pa sila kay Jose Mari. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Huhu I'd hug him if I see him... christmas oppa"

" Nakaka-good vibes, Christmas feels na ito na live!"

"Sayang, bakit di kami nakapagdinner sa mega nang time na yan"

"OMG, akikanta din sana ako... pasko na mga friends!"

"Nakaktuwa, ang positive ng aura ni Sir Jose Mari. pasko na na po talaga"

Umabot na sa mahigit 1.6 million views ang video.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel