Lea Salonga napacomment sa post ni Ogie Diaz sa kanyang "Mama Ogs Answers..."

Lea Salonga napacomment sa post ni Ogie Diaz sa kanyang "Mama Ogs Answers..."

-Nagviral ang isang post ni Ogie Diaz kamakailan, kung saan pinag-usapan din nya ang kontrobersiyal na guesting ni Sarah Geronimo sa GGV

- Sa nasabing post ay marami syang mga katanungan na sinagot, at talagang malalaugtrip ka sa huling bahagi ng kanyang post

- Kaya naman pati ang ating Worldclass performer na si Ms. Lea Salonga ay hindi nakapagpigil at napacomment sa nasabing post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang post ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook page na nagviral na ngayon ay sinagot nya ang mga katanungan ng mga tagasubaybay at tagahanga ng mga artista na nabanggit sa kanyang post na may pamagat na "Mama Ogs Answers..."

Iilista ng KAMI ang tanong at sagot ni Ogie Diaz sa nasabing post na umani na ng libo-libong mga reaksyon at daan-daang komento at shares.

Tanong:

"Mama Ogs! Si Xian Lim ba ang pinariringgan mo sa vlog mo na kilala, pero di marunong umarte?"

Sagot:

"--Actually, inaaway ako ng ibang fans ni Xian. Porke nasabi kong kahit sino, pwedeng gampanan ang role niya sa 'Miss Granny.' Pero hindi po siya ang tinutukoy ko, kaya 'wag na nilang i-insist. Pag in-insist pa nila, eh baka nga siya."

Tanong:

"Mama Ogs, bakit po hindi in-air 'yung guesting nina Sarah Geronimo at James Reid sa Gandang Gabi, Vice."

Sagot:

"--According to my source kung paniniwalaan ko, eh nag-react si Mommy Divine sa mga sagot ni Sarah sa mga intriguing questions ni Vice Ganda. Tulad sa 'Guilty Or Not Guilty?' segment ng GGV, sa tanong ni Vice na, 'Nakapanood ka na ba ng po*rn?' Pilyang ngiti daw ang naging reaction ni Sarah tapos sinagot niya ito ng, 'Yes, pero 'yung sa anime lang.'"

Dagdag pa ni Ogie Diaz sa kanyang sagot:

"Pati daw 'yung kung was there a time na na-experience niyang matulog na may lalaking katabi at ilan pang naughty questions na pinati-trim nang pinati-trim ni Mommy Divine hanggang sa parang wala nang natitirang laman 'yung episode, kaya minabuti na lang na 'wag na itong iere."

Pagtatapos na paliwanag ni Ogie Diaz tungkol sa episode ni Sarah Geronimo at James Reid na diumano'y di na ipapakita.

"At kung kilala ko si Vice, feeling ko, 'no more next time' na siya sa mga ganitong eksena para makaiwas na din sa trouble at sa gastos. Paano kaya 'yon, no? Di ipinalabas so ano yon? Pinaabono sa Viva ang cost of production? Hintay tayo ng sagot mula sa mga inampalan. Baka mali din ang dinig ko."

Tanong:

"Mama Ogs, maganda ba ang Miss Granny?"

Sagot:

"--Maganda siya. In fairness. Naaliw din ang mga anak ko. Ibang Sarah Geronimo ang mapapanood n'yo. Mahusay ang lola."

Tanong:

"Mama Ogs, musta na kayo ni Mocha Uson?"

Sagot:

"--Okay lang. Unti-unti ko na lang iniintindi kung saan nanggagaling ang mga pangangatwiran niya, dahil kung hindi, pahihirapan ko lang din ang sarili ko. And I think, 'yun din ang punto ng ibang di maispeling si Mocha. Na saliwa sa isyu ang kanyang mga sagot at consistent siya doon, kaya intindihin na lang."

Dugtong pa ni Ogie:

"I mean, sakto lang na naiintindihan ko siya. 'Yung tama lang na sapat lang 'yung intindi ko. Hindi naman 'yung hindi talaga naiintindihan, kundi okay-okay lang 'yung pagkakaintindi ko sa kanya. Kumbaga, pwede nang intindihin."

Tanong:

"Eh, si Xander Ford, Mama Ogs? Wala na akong balita sa kanya."

Sagot:

"--Ay, no! Hindi ako papayag na walang balita about him. Nito lang meron siyang lumabas na video na umiiyak siya, dahil di na raw niya kayang tanggapin ang mga bashers. Gusto na raw niyang magpakamatay. Oy, Xander, 'wag mong gagawin 'yan, ha? Baka lalo kang i-dare ng mga bashers mo. Wag, anak. Masarap mabuhay. Basta behave ka na lang sa mga pautot mo para behaved din ang bashers."

Tanong:

"Mama Ogs, ano'ng masasabi mo sa lumabas na photo scandal ni Janno Gibbs?"
"--Ay, malaki! I mean, malaki na si Janno para malaman niya ang consequence ng ginawa niya. Although pwede naman niya 'yong idenay at sabihin niyang hindi siya 'yon. Pero matatalino na ang mga netizens ngayon, eh. Kaya akuin na lang niya. Tutal, bongga naman ang pagsaludo sa katatagan ng sandigan ng kanyang lakas. Pwede na rin niyang ibahin ang pangalan niya from Janno Gibbs to Janno Bigs. #Waley."

Tanong:

"Mama Ogs, may gap po ba talaga sina Vice Ganda at Coco Martin?"

Sagot:

"--Ang alam ko, may Bench."

Tanong:

"Mama Ogs, eh kayo ni Vice, kumusta?"

Sagot:

"--Okay naman kami ni Vice. Pero kami ni mayor, hindi"

Tanong:

"Mama Ogs, kumusta si Kris Aquino sa Crazy Rich Asian?"

Sagot:

"--Napanood ko siya. Titili na sana ako pagkakita sa kanya, eh. Kaso, nakakahiya kung ako lang mag-isa ang titili. Anyway, keri na rin. She made her presence felt naman."

Tanong:

"Mama Ogs, may mga bashers ka pa rin ba?"

Sagot:

"--Kelan ba nawala 'yon? Pag may social media accounts ka, sigurado, may bashers ka. We can't please everybody. Sila na lang ang paghugutan mo ng lakas para manghina sila. #Cheret.."

Tanong:

"Mama Ogs, blind item naman diyan."

Sagot:

"--O, sige. Normal lang naman sa negosyo na minsan good, minsan bad. Pero recently daw, di nakakabayad sa mga suppliers ng kanyang negosyo ang actor-entrepreneur. Clue? Mabait na 'ko, kaya pass na muna ang clues."

Tanong:

"Mama Ogs, who is your closest celebrity friend?"

Sagot:

"--Aiko Maria Emilia Melendez. Nakita ko na kasi ang keps niyan habang umiihi sa harap ko, eh. Hahaha!"

Pagwawakas pa ni Ogie Diaz sa kanyang FB post:

"Kaya 'yung mga gusto akong maka-close, ha? #AlamNa."

Halos lahat ng netizens ay napatawa sa last part ng kanyang post, at pati ang Worldclass performer natin na si Lea Salonga ay naaliw na lang sa post ni Ogie Diaz, at napacomment na:

"You just made my night!"

Kamakailan lang ay binalita namin dito ang tungkol sa pagbubunyag ni Ogie Diaz sa nalalaman sa isyu tungkol sa guesting ni Sarah Geronimo sa GGV.

Makikita si Ogie Diaz sa Home Sweetie Home kasama sina Toni Gonzaga at Piolo Pascual.

POPULAR: Read more news about Lea Salonga here

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel