Tapang niya! Motorista, lakas loob sinita ang MMDA na lumabag sa batas trapiko

Tapang niya! Motorista, lakas loob sinita ang MMDA na lumabag sa batas trapiko

- Nahuli ng isang motorista ang dalawang MMDA na lumabag sa batas trapiko

- Malakas ang loob ng motoristang sitahin ang mga MMDA

- Nakunan ng video ang buong pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila nabaligtad ang sitwasyon nang mahul di umano ng isang motorista ang dalawang MMDA enforcers na lumabag di lang isa kundi ilang batas trapiko.

Nalaman ng KAMI na viral ngayon ang video ng aktwal na pagsita ng motorista sa mga enforcers.

Ayon sa motorista, di lang isa kundi tatlong traffic violations ang nagawa ng mga enforcers. Una, ang maling paggamit ng turn signals, pangalawa, half-face lang daw ang pagsusuot ng helmet ng dalawa at ang huli, ay walang plate number ang minamaneho nilang motor.

Ayon pa sa post ni Ton De Jesus, pinag-isipan niyang mabuti kung dapat pa ba niyang i-post ang naturang video. Inisip rin niya kahit paano ang kapakanan ng dalawang MMDA enforcers na malalagot sa kanila mismong opisina.

Nangibabaw daw kay Ton ang pagtayo sa tama. Kung di raw niya ito binahagi sa social media, mamimihasa ang dalawa o maging ang ibang enforcers na patuloy na naninita ng mga lumalabag sa batas trapiko ngunit sila pala mismo itong lantarang sumusuway dito.

Nang sitahin pa raw ni Ton ang dalawang enforcers, siya pa raw ang hininga ng lisensya ng mga ito.

Binigyang linaw pa ng motorista na kahit sino pa mang alam niyanglumabag sa batas trapiko ay sisitahin niya dahil siya mismo ay mabusisi sa pagsunod sa pagiging isang responsableng motorista.

Tila nakakalungkot lamang daw kasing isipin na itong mga enforcers na ito ang makailang beses nang naging-viral sa mahigpit na pagpapatupad ng mga batas trapiko ngunit sila din itong malalakas ang loob na lumabag sa mga ito.

Binalak nang dalhin ni Ton ang video sa mismong tanggapan ng MMDA sa Guadalupe upang makapagmulta raw ang mga enforcers na ito.

Samantala, umani ang post na ito ni Ton ng iba't ibang reaksyon na karamihan ay humanga sa katapangan ng motorista sa pagtayo niya sa alam niyang tama at nararapat gawin.

Umabot na sa mahigit 4 million views ang naturang video.

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel