Nakakainom na yaya, huli sa CCTV ang pananakit sa 7 buwang gulang na sanggol

Nakakainom na yaya, huli sa CCTV ang pananakit sa 7 buwang gulang na sanggol

- Huli sa CCTV ang pananakit ng kasambahay na si Cielo Cervantes sa pitong buwang gulang na alaga

- Humingi ng patawad ang kasambahay at sinabing nagagawa lamang ito pag siya ay lasing

- Haharap sa kasong child abuse si Cervantes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di maitanggi ng kasambahay na si Cielo Cervantes ang pananakit umano niya sa alaga niyang pitong buwang gulang na sanggol.

Ayon sa balita ng GMA News, naghihinala na ang mga magulang ng bata na may nangyayari sa bahay habang wala sila kaya naman naglagay na sila ng CCTV sa kanilang tahanan sa Meycauayan, Bulacan.

Doon, kitang kita nila kung paano sabunutan, sampalin, kurutin at hampasin ang walang kalaban laban na sanggol.

Pangangatwiran pa ng kasambahay, nagagawa lamang daw niya iyong kapag siya ay nakakainom at nalalasing at di niya sinasadyang gawin ito sa sanggol.

Dahil dito nagpaalala na ang pulisya na mag-ingat sa mga kinukuhang kasambahay. Kilalanin munang mabuti ang pagkakatiwalaang mag-alaga sa anak.

Haharap sa kasong child abuse si Cervantes.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel