Marian Rivera, binigyan ng advice si Kyline Alcantara kung paano i-handle ang mga isyung ibinabato sa kanya

Marian Rivera, binigyan ng advice si Kyline Alcantara kung paano i-handle ang mga isyung ibinabato sa kanya

-Binigyan daw ng advice ni Marian Rivera si Kyline Alcantara kung paano i-handle ang mga issue na ibinabato sa kanya

-Sunod-sunod kasi ang mga naging issue kay Kyline kabilang na ang issue sa kanila ni Bianca Umali

-Samantala, naibalita na rin ang tila pagiging close ni Marian at Kyline

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binigyan daw ng advice ni Marian Rivera si Kyline Alcantara kung paano i-handle ang mga issue na ibinabato sa kanya.

Ayon sa GMA News, nagkwento daw si Kyline tungkol dito.

“Yes po with some issues po nabibigyan po niya ako ng advice kung paano i-handle 'yun. So parang kinakausap niya ako like one-on-one talaga. Tapos minsan nakikisali din si Kuya Dong (Dingdong Dantes).” sabi ni Kyline.

Tila naging close na rin kasi ang dalawa lalo pa at magkasama sila sa isang show sa GMA. Ayon kay Kyline, napaka-sweet daw ni Yan.

“Si Ate Yan Yan po kasi nabibigyan niya rin po ako ng positive vibes, kasi every time po na magkikita kami she's always smiling, tapos she's always hugging me,

Hindi lang po siya 'yung typical na hug or hawak lang, alam mo 'yung mahigpit po na hawak so parang I'm so happy.” kwento ng dalaga.

Sunod-sunod na din kasi ang mga ibinabatong issue sa batang aktres, kabilang na ang issue ng away nila ni Bianca Umali na tulad niya ay Kapuso din.

Sa kabila nito, nananatili siyang positive at malaki daw ang pasasalamat niya sa mga fans na kung tawagin nya ay 'sunflowers'.

“Okay naman cute pa rin po ako (giggles). Kasi I know what I did and alam ko din naman kung ano 'yung mga hindi ko ginawa dun sa mga sinasabi nila sa akin. So I just smile and stay positive kasi 'yun naman 'yung gusto ko and ng mga fans ko na mangyari sa team namin.

I just love them so much, I love you all so much dahil pinoprotekatahan n'yo ko, dinidepensahan n'yo ko and thank you dahil lagi kayong positive kahit ang dami ng negativities na pumapasok sa sunflowers ko. Maraming maraming salamat sa suporta and I love you all so much.”

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you want to stay on top with all of the latest social problems and hear people’s life stories? If your answer is “yes”, then this playlist in exactly what you need! How Do You say “cheers” In Filipino? – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel