11 Kapuso stars na bumisita Kapamilya shows

11 Kapuso stars na bumisita Kapamilya shows

Sa nakalipas na panahon marami na ring mga Kapuso stars, actresses, actors, at TV hosts, ang bumisita sa iilang mga Kapamilya shows.

Kaya naman nagbalik tanaw ang ABS-CBN News site sa 11 Kapuso stars na bumisita sa mga Kapamilya shows at nakapanayam ng mga bigating Kapamilya TV hosts.

Naispatan ng KAMI ang 11 sa mga Kapuso stars na ito, at aming ibabahagi isa isa sa isang listahan at kung saan at kailan sila nagguest.

1. Marian Rivera

Bumisita ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa segment ni Boy Abunda sa Bandila na pinamagatang "Ikaw na!"

Napublished ito sa ABS-CBN News YouTube channel noong October 2, 2013, at ngayon umabot na sa mahigit dalawang milyon ang views.

Ito ay parte ng kanyang promotion sa pelikula ni Ai-Ai delas Alas na "Kung Fu Divas" na under sa production ng Star Cinema at Reality Entertainment.

2. Jennylyn Mercado

Ang Ultimate Female/Sweetheart Survivor ng first ever season Starstruck na si Jennlyn Mercado ay bumisita sa Tonight with Boy Abunda ng ilang beses.

Bumisita rin sya sa Kris TV para ipromote ang mga pelikula nya kagaya ng The Prenup with Sam Milby at Just the 3 of Us with John Lloyd Cruz.

3. Dingdong Dantes

Sa promotion ng Unmarried Wife ay bumisita ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa Tonight with Boy Abunda.

Bumisita rin sya sa Magandang Buhay, at nakagawa pa ng ilang pelikula under Star Cinema.

4. Dennis Trillo

Nakabisita na rin si Dennis Trillo sa iba't ibang shows ng Kapamilya dahil sa mga pelikula na ginawa nya sa Star Cinema kagaya ng You're Still the One with Maja Salvador, at Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend? with Anne Curtis.

5. Solenn Heussaff

Ang French-Filipino Kapuso actress na si Solenn Heussaff ay nagguest na rin ng iilang Kapamilya shows noong 2014 at 2016 dahil na rin sa mga pelikula na ginawa nya kasama ang mga Kapamilya stars.

6. Vic Sotto

Pati ang isa sa haligi ng showbiz at Eat Bulaga si Bossing Vic Sotto.

Ilang shows na rin sa Kapamilya ang binisita ni Vic at isa na rito ang The Buzz.

7. Joey de Leon

Bumisita rin ang isa pang Eat Bulaga Dabarkads na si Joey de Leon sa The Buzz, at naging viral ito dahil ininterview sya ng Ultimate Multimedia Superstar na dating baby nila sa EB na si Toni Gonzaga.

11 Kapuso stars na bumisita Kapamilya shows

Credit: Facebook/Joey de Leon Interview by Toni Gonzaga on The Buzz
Source: Facebook

Hindi lingid sa kaalamang ng mga tao na inintriga silang dalawa dahil nga sa paglipat ng huli sa Kapamilya network.

Bukod sa The Buzz, bumisita rin si Joey sa Kris TV.

8. Carla Abellana

Isa rin si Carla Abellana sa mga Kapuso stars na bumisita ang The Buzz, at sa Kris TV.

9. Rhian Ramos

Dahil sa dalawang pelikula na ginawa ni Rhian Ramos with Piolo Pascual at isa pang pelikula kasama si Zanjoe Marudo.

10. Lovi Poe

Isa rin si Lovi Poe na nakatrabaho ang mga ABS-CBN stars kaya nakapagguest din sa Tonight with Boy Abunda.

11. Winwyn Marquez

Pagkatapos manalo ng Reina Hispanoamericana Teresita Ssen Marquez ay bumisita sya sa Tonight with Boy Abunda.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel