Nakahanap ng alternatibo ang mga Basileño sa krisis sa bigas at pagtaas ng presyo nito

Nakahanap ng alternatibo ang mga Basileño sa krisis sa bigas at pagtaas ng presyo nito

- Mas murang nabibili ang mga puto at maja blanca sa Basilan kung kaya ay ito ang ginawang alternatibo ng mga mamimili sa krisis sa suplay ng bigas

- Patuloy ang magiging pagtaas ng presyo ng bigas kasunod ng krisis sa Basilan pagkadeklara ng "State of Calamity" sa lugar

- Hirit ng mga mamimili, hindi na nila kakayanin pa ang P80 kada kilo ng bigas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala na halos pagpipilian ng mga bigas na bibilhin sa merkado sa Basilan dahil halos lahat na ay nagtaas, alinsunod naman sa patuloy na pagbaba ng suplay ng bigas, kung kaya ay nakahanap ng paraan ang mga mamimili upang maibsan ito.

Nalaman ng KAMI na sunud-sunod na ang pagbaba ng supply ng bigas sa iba't ibang bahagi ng Gitnang Luzon na pinagkukunan ng suplay ng bigas.

Dahil dito, napipilitan ang mga negosyante na taasan ang presyo ng bigas dahil sa nagkakaubusan na ang suplay. Sa ngayon, P80 kada kilo na ang presyo ng bigas. Halos kalahati ang itinaas nito kumpara sa regular na halaga sa merkado.

Ngunit sa halip na magmukmok ay nakitang pagkakataon naman ito ng mga nagtitinda ng mga kakanin tulad ng maja blanca at puto sa Basilan ang pagtapat ng mga mamimili sa nakagawiang kanin kasabay ng masarap na ulam.

Anila, mas mura at hindi naman daw kalayuan ang lasa ng kanin sa mga nasabing kakanin na halos ay kawangis ng pagluluto at mga sangkap.

Tinitingnang posibilidad naman ng pamahalaan na mag-angkat ng mga bigas mula sa mga karatig-bansa tulad ng Thailand at Viet Nam.

Samantala, ayon naman sa Bantay Bigas, mas nararapat daw na pagandahin pa ang programa para sa mga magsasaka gaya ng maluwag na subsidiya at pagpapalawak ng mga lupaing sasakahan maging ang daanan ng irigasyon.

Panoorin ang bahagi ng ulat ng GMA News sa ibaba:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Juan Ponce Enrile seeks re-election in the Senate for 2019 polls

Juan Ponce Enrile seeks re-election in the Senate for 2019 polls

Juan Ponce Enrile seeks re-election in the Senate for 2019 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel