Congratulations! DJ Chacha engaged na sa kanyang 6 years non-showbiz boyfriend

Congratulations! DJ Chacha engaged na sa kanyang 6 years non-showbiz boyfriend

- Nadagdagan ang listahan ng showbiz personalities na ikakasal soon sa kani-kanilang mga minamahal

- Dumagdag sa listahan si DJ Chacha ng MOR 101.9, na kilala rin dahil sa pagsali nya sa Pinoy Big Brother kamakailan lang

- Ginamit ng soon-to-be-bride ang kanyang opisyal na Instagram account para ibahagi sa kanyang mga listeners, fans, followers, at iba pang tagasubaybay nya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balitang hatid ng Push, kung saan una naming nalamang ang masayang balitang ito, nag "Yes" na nga ang isa sa pinakasikat na DJ sa MOR 101.9 na si DJ Chacha.

Nalaman ng KAMI, na ang totoong pangalan pa lang na DJ ay Czarina Marie Balba, at tila kagabi pa lang nangyari ang proposal ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Sa pinag-uusapan na Instagram post ni DJ Chacha, 15 hours ang timestamp na nakalagay, so kagabi, August 30, 2018, pa lang nangyari ang napakasweet na moment na ito sa kanya.

Ang proposal ay naganap sa Sky Bar sa Bangkok, Thailand habang nagbabakasyon sila ng kanyang 6 years non-showbiz boyfriend.

Isang romantic dinner ang nangyari sa isang grandiosong restaurant na overlooking a picturesque view ng cityscape ng Bangkok.

Wala ngang masisidlan sa kanyang tuwa ang DJ kaya naman naishare niya ito agad agad sa kanyang social media.

Ang kanyang non-showbiz boyfriend ay si Michael Guevara na isang businessman.

6 years sila naging magsyota bago pa man silang tuluyang ma-engaged.

Saad pa nya sa kanyang post, ay nilagay nya ang isang ring emoticon at tila thank you kay Lord at hashtag na "Mike Forever Kay Cha" at tinag pa nya ang kanyang soon-to-be-husband.

Bumuhos din ang mga pagbati at saya ng mga followers at iba pang netizens ni DJ Chacha.

"Ate omg sobrang happy ako for youuu congrats @magicmyk26 and ate cha"
"Ung matagal mo nang pinapangarap dj cha"
"Congrats sa paborito kong DJ @mor1019chacha "
"fenesh naaa. happy for you"
"Sabii na ehhh birthday ni ate cha magkakaron ng pasabog si kuya mike congrats tp both of you @magicmyk26 and @mor1019chacha"

Shinare din ni DJ Chacha ang post na ito ng kanyang soon-to-be-mister na umamin na ninerbyos daw sya.

At noon pa lang daw sya kinabahan ng sobra sobra.

Si DJ Chacha ay may isang anak na babae sa kanyang dating karelasyon na ang pangalan ay Saab.

Sya ay naging kilala sa mga segments nya sa radyo gaya ng Heartbets, at sumali rin siya sa Pinoy Big Brother 7 Celebrity Edition.

Congratulations and best wishes sa soon-to-be-mister-at-misis!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush

Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush

Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel