Viral ang isang lalaki na ginawang tree planting project ang napipintong pagpapagawa ng kalye ng DPWH!

Viral ang isang lalaki na ginawang tree planting project ang napipintong pagpapagawa ng kalye ng DPWH!

- Sa pagnanais na mang-uyam sa DPWH, nagpost ng mga larawan ang isang concerned netizen na si Eugene Moren

- Nagpapasalamat" ito dahil binigyang-daan daw ng nasabing ahensya ng gobyerno ang kanyang tree planting project dahil sa pagbubutas nito ng kalsada na matino pa naman daw

- Parehas naman ang naging tugon ng netizens sa kanyang viral post dahil na rin daw sa hindi mawaring dahilan kung bakit sinisira ng DPWH ang matitino pa namang mga kalsada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi akalain ng marami na mapakikinabangan din naman daw pala ang mga ginagawa ng pamahalaan, partikular na sa pagbubungkal ng mga daan. Ani isang netizen, laking pasasalamat daw niya sa DPWH dahil sa muli nilang pagbubutas ng daan.

Nalaman ng KAMI ang balita nang agad na naging viral ang mga larawan ng isang concerned netizen na tinatamnan ang mga butas na gawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa harap na kalsada ng kanilang bahay.

Masasabi rin na ang mga butas na iyon ay palatandaan na planong bungkalin ng DPWH ang nasabing daan upang pagandahin o maaring bahagi ng road widening o maintenance ng kalsada.

Dahil dito, hindi nakalampas ang mga butas sa kalsada, kung kaya ay nakaisip ng nakatatawang paraan si Eugene Moren upang maiparating ang isang mensahing may layong patamaan ang nasabing ahensya ng gobyerno.

Ayon sa caption ng shared post ng Viral Photos FB page, nakasaad ang: "Salamat, DPWH, Tree Planting Program."

Maraming netizens naman din ang naka-relate sa naging tugon ng binata ukol sa pagbubutas ng daan at isinisi ito sa mga umano'y maanomalyang mga proyekto ng ahensya.

Anila, kabago-bago lang daw ng mga kalsada ay agad din naman daw sisirain at sandaling pakikinabangan lang. Dagdag nila, "mema" lang daw ang DPWH.

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"Kase kinontrata na yan ng DPWH at ng LOCAL CORRUPT GOVERNMENT sa contractor.. ang ayos ng daan papalabasin na kailangan irepair or may tubong aayusin kahit wala, kaya ng 1 araw ang totoong issues na ganyan pero ilalagay sa kontrata ng contractor na utos ng corrupt na gobyerno na pare-parehas sila na 4 months of work at dun ilalatag ang perang kokorapin nila reresibuhan at yun happy happy sila. Bubutsan nila at iiwan until such time na due na for finishing. Mga demonyo"

"Badtrip talaga mga road projects ng government.. binutas na yung kalsada, di naman na tinuloy makalipas lang ng isang linggo hayss."

"Hahaha sarap pa ng tawa ni kuya oh..sobrang inis cguro nyan dinaan nalang sa tawa..walang magawa eh ano kuya ...hehe ..kabwesit nman talaga."

"Hahaha na alala ko 2loy dito samen road repair daw kuno eh eh wala naman gano sira ang mas malupet pag katapos magawan ng bago dalawang buwan palang nadadaanan eh mas masahol pa sa luma."

"Kase po bubutasin nila yan tapos kuhaan picture para makuha collection na badget, pag nakuha na nila ang pera hindi na nila babalikan yan hahaha!"

Narito ang nasabing post:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel