Kris Aquino, pinasalamatan ang kanyang 'idol' na si Sharon Cuneta

Kris Aquino, pinasalamatan ang kanyang 'idol' na si Sharon Cuneta

-Pinasalamatan ni Kris Aquino ang kanyang 'childhood idol' na si Mega Star Sharon Cuneta

-Ito ay dahil sa pagtatanggol nito sa kanya sa mga bashers at sa pasasalamat ni Shawie sa kanyang 'maiksing' participation sa Hollywood movie na cRazy Rich Asian

-Sabi pa ni Kris, kung buhay lamang ang kanyang ama siguradong kikiligin ito sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinasalamatan ni Kris Aquino si Mega Star Sharon Cuneta sa pagtatanggol nito sa kanya sa mga bashers na minaliit ang kanyang 'maiksing' exposure sa Hollywood movie na Crazy Rich Asian, na nauna ng naibalita ng KAMI.

Sabi ni Kris: "thank you for this generosity Ate S. My life has been blessed more in knowing I have made a real FRIEND in you."

Bukod sa pagtatanggol kay Kris, pinasalamatan din ni Mega si Kris sa pagiging bahagi ng isang Hollywood movie na All-Asian cast. At kahit pa 2 minuta lamang ang exposure ni Kris dito, dapat na maging proud pa rin ang mga Pilipino sa na-achieve ng Queen Of All Media.

Samantala, naibalita din ng KAMI, na isa umanong netizen ang nagsabi na napakalaki ng talent fee ni Kris sa nasabing Hollywood movie.

Ayon din kay Kris, mula sa comment section sa IG, sinabi niyang kikiligin ang kanyang ama na si yumaon Ninoy Aquino kung ito ay buhay pa.

Sapagkat, alam nito na siya ay isang Sharonian.

Sabi pa ni Kris, magkapareho daw sila ni Sharon dahil ang parehong ama nila ang nagsabing kaya nilang abutin ang kanilang mga pangarap.

Kris Aquino, pinasalamatan ang kanyang 'idol' na si Sharon Cuneta

Photo source: Instagram

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you want to stay on top with all of the latest social problems and hear people’s life stories? If your answer is “yes”, then this playlist in exactly what you need! How Do You say “cheers” In Filipino? – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Coco Martin reacts to Maine Mendoza not mentioning him while promoting on GMA-7

Coco Martin reacts to Maine Mendoza not mentioning him while promoting on GMA-7

Coco Martin reacts to Maine Mendoza not mentioning him while promoting on GMA-7
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel