Margielyn Didal, ibibigay ang P6-Milyon na pabuya sa kanyang nanay

Margielyn Didal, ibibigay ang P6-Milyon na pabuya sa kanyang nanay

- Skateboard champion, Margielyn Didal, ibibigay ang P6-million reward sa kanyang nanay

- Ang nanay ni Margielyn ay isang street-food vendor sa Cebu City

- Gusto ni Margielyn na gamitin ang kanyang napanalunan para magtayo ng negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang paghihirap sa training at lahat ng sakripisyo, labis ang tuwa ni Margielyn Didal sa kanyang napanalunan sa women’s skateboarding street event sa Asian Games 2018.

Napagalamanan ng KAMI sa SmartParenting.com.ph na ang pabuyang P6-Milyon na nakuha ni Didal sa pagkapanalo ay ibibigay niya sa kanyang ina.

Aniya, “Bibigay ko po sa nanay ko para makapagtayo kami ng small business,”

Tila hindi pa rin maka-get over si Didal sa kanyang pagkapanalo, sabi niya, “I am very happy I did my best. Sobra ang saya po, lalung–lalo na sa mga skateboarders natin,”

Proud na proud rin sa kanya ang Philippine Sports Commission Chairman Butch Ramirez.

Ayon kay Ramirez, “Congratulations Margie. The country is grateful for your efforts and sacrifices,”

Dagdag niya pa, “We are arranging a hero’s welcome for you."

Ayon sa dating report ng KAMI, ang nanay ni Didal ay isang kwek-kwek vendor sa may Concave Skate Park kung saan natuto at napagalamanan ni Didal na hilig niya ang skateboarding. Ang tatay naman niya ay isang construction worker sa Cebu.

Si Didal ang nagbigay ng pang-apat na gintong medalya para sa Pilipinas ngayong Asian Games 2018.

Tignan ang highlights sa naging performance ni Didal sa Asiad 2018:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! - on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'

Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'

Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel