Na-cholera? Iba't ibang pamilya na kumain sa sikat na restaurant, na-ospital

Na-cholera? Iba't ibang pamilya na kumain sa sikat na restaurant, na-ospital

- Viral ang mga post ng iba't ibang pamilya na kumain sa isang sikat na restaurant sa San Juan

- Tinamaan daw ang ilan sa mga miyembro ng pamilya ng "acute gastroenteritis" na nakukuha

- Nabahala din ang mga netizens na nakakita ng post sapagkat alam nilang kilala ang restaurant sa kalidad na pagkain na kanilang hinahanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang mga post ng iba't ibang pamilya na nakaranas di umano na ma-ospital matapos kumain sa Chef Laudico Guevarra's Restaurant sa San Juan noong Agosto 19.

Unang lumutang ang post ng netizen na si Karessa Mae Bulay Limpot na nagpakita pa ng mga larawan ng miyembro ng pamilya nilang na-ospital talaga matapos kumain sa nasabing restaurant.

Ayon sa post ni Karessa, hindi lamang pangkaraniwan na sakit ng tiyan ang kanilang dinanas. Ang ama ni Karessa ay nakaranas na ma-dialysis ng dalawang beses dahil sa acute kidney failure.

Nalaman ng KAMI na nagpositibo di umano sila sa "cholera vibrio" na kinagulat din ng kanilang doktor na kinailangan daw nila itong i-report sa Department of Health ng na mayroon nang ganitong kaso sa ating bansa.

Di raw sana nila ipopost pa ito sa Social media ngunit ang kompanya ng restaurant ang di raw nakikipag-usap ng maayos sa kanila ng personal.

Nababahala raw si Karessa na habang nasa ospital pa rin ang ilang miyembro ng kanilang pamilya ay patuloy pa rin ang reservations sa nasabing restaurant.

Nilinaw din niya na wala siyang intensyon na siraan ang Guevarra's, binahagi lamang nila ang karanasan bilang babala. Nasa sa mga tao na lamang daw kung patuloy pa rin nilang tangkilikin ang sikat at kilalang kainan.

Samantala, sa isang post naman ng netizen na si Mau Nauis, pinakita niya ang mismong larawan ng kanilang pamilya nang kumain sila sa Guevarra's.

Makikita sa larawan na nasa 30 katao sila at sinabi ni Mau na halos kalahati dito ay nagkaroon ng acute gastroenteritis, isang kondisyon na nagdudulot ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at madalas na pagdumi. Nakukuha raw ito sa maruruming pagkain at tubig. Dalawa sa miyembro ng pamilya ni Mau ay na-ospital din matapos nilang magsalo-salo sa Guevarra's.

Hati ang mga reaksyon ng netizens. Di ito maiiwasan dahil sa ganda ng reputasyon ng nasabing restaurant. Ang iba ay di makapaniwala habang ang iba ay natakot na kumain muli rito.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaki kumukupkop ng askal, nakatanggap ng maagang pamasko sa mga estranghero

Lalaki kumukupkop ng askal, nakatanggap ng maagang pamasko sa mga estranghero

Lalaki kumukupkop ng askal, nakatanggap ng maagang pamasko sa mga estranghero
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel