Takot siya eh! Among malupit, agad pinakawalan ang kasambahay matapos i-report kay Raffy Tulfo!

Takot siya eh! Among malupit, agad pinakawalan ang kasambahay matapos i-report kay Raffy Tulfo!

- Hindi na pinaabot pa ng among si Deborah Pan na sunduin pa ng kampo ni Raffy Tulfo at pulisya ang kasambahay na si Roxana

- Dumulog kay Raffy Tulfo ang anak ni nanay Roxana na si Sally Dacut matapos malaman ang mga pagmamalupit at sobrang bigat na trabahong pinasan ng ina

- Gusto pang maibalik ni Deborah ang binaleng pera ng kasambahay ngunit tumutol si Tulfo dahil sa dami ng responsibilidad niya na kapalit lang ang kakaparinaggot na sweldo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inireklamo ni Sally Dacut, anak ng kasambahay na si nanay Roxana, ang amo ng tahanang kanyang pinagtatrabahuhan dahil sa kalupitan nito at sa sobrang bigat ng nakaatang na responsibilidad sa buong bahay.

Nalaman ng KAMI na bukod sa nasa ika-4 na palapag ang kanilang tinitirhan, tatlong bata pa raw ang kinakailangan niyang alagaan, lahat ay kapalit lamang ng 6 na libong piso.

Ayon kay Sally, si Deborah Pan, amo ng pinapasukan ni Roxana, ay tutol daw na paalisin ang nanay niya maging ang agency na dinerektahan ni Pan.

Ipinaalam din ni Dacut sa programa na minumura daw ni Deborah si Roxana at pinagtatangkaang sasampalin daw.

Maririnig din sa boses ng kasamabahay na may takot na rin daw na namumuo sa kanya dahil nga sa lupit ng kanyang amo.

Gusto pa raw ni Pan na sa ika-17 ng Setyembre pa umalis si Roxana dahil wala pa raw bagong maipapalit ang agency na nagsusupply ng mga kasambahay.

Makikita rin kung paano natatawa si Dacut sa mga pangyayari, matapos umiyak dahil sa reklamo, ngayon ay nakakangiti dahil halos tumiklop daw ang amo sa bait nang makausap si Tulfo at kung paanong mabilis na pumayag si Deborah na paalisin na si Roxana.

Hindi makapalag ang nasabing amo lalo pa nang ipaalam ni Tulfo na susunduin nila si Roxana sa kanyang tahanan ng may kasamang kapulisan.

Nang marinig niya ito, agad namang nag-offer na ihatid na lang niya si Roxana.

Panoorin bahagi ng Raffy Tulfo in Action sa ibaba:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel