5 Pinoy at International viral-video stars at ang kanilang buhay ngayon

5 Pinoy at International viral-video stars at ang kanilang buhay ngayon

Ito yung mga nagviral na mga videos at naging instant sikat at viral-video stars ang mga personalidad na nakita o narinig sa mga nasabing video na nagtrending ng husto sa panahon ng paglabas nila.

Naispatan namin ang 10 na listahan ng Pinoy at International viral-video stars sa Spot.ph.

Dito sa KAMI, ay sisilipin namin ang lima sa kanila at kukumustahin ang mga buhay buhay ng mga personalidad na mga ito.

1. Elevator Girl - Cherry Alejandro

Ginagawa lang naman ni Cherry Alejandro ang kanyang trabaho bilang nagbabantay at nag-ooperate sa isa sa mga elevators ng SM Olongapo.

Pero dahil sa kanyang nakakaaliw at bibong pagwelcome at pagtanggap ng mga customers sa elevator ay hindi na naiwasan ng isa sa mga ito na videohan sya.

Inupload at binahagi sa social media ang kanyang video at kinilala sya bilang si "Elevator Girl."

Naging opisyal housemate sya ng PBB noong 2014, at noong 2017, ay winindang din nya ang mga shoppers sa mall sa pagpapaalala sa paggamit ng escalator, "stand on the right, walk on the left."

2. "Ganda ka?" - Macoy Averilla

Umabot sa halos 2 milyon ang views ng pagdub ni Macoy Averilla na shinare niya sa Facebook page nya.

Hanggang ngayon ay nagdudub pa rin sya ng mga sikat na movies at television series gaya ng White Chicks, Meteor Garde, at Fours Sisters and a Wedding, at Bridesmaids.

3. Pen Pineapple Apple Pen - Pikotaro

Sino ang hindi napagalaw at napakanta sa kantang ito noong 2016?

Mas naging kilala sya ang lalaki na kumanta ng Pen Pineapple Apple Pen.

Kilala umano sya sa dalawang stage names niya, at ang isa nga nito ay bilagn si Pikotaro at ang isa naman ay bilang Daimaou Kosaka.

Sinong makakalimut sa nakakairita na kanta dahil pabalik balik ang lyrics pero nakakaaliw ang kanyang tunog.

Ayon pa sa source, nagpakasal na daw sya sa kanyang modelong girlfriend noong August ng 2017.

4. BBC Interview - Robert Kelly

Sinong makakalimut sa interview ng isang daddy na nagkagulo dahil sa kanyang mga cute na mga babies?

Nagviral ng husto ang naturang interview, at dahil dito ay napanayam sya ng maraming mga news at media outlets tungkol rito.

Ngayon, ayon na rin ng kanyang Facebook page, professor sya sa Pusan National University sa South Korea, at contributing writer sya sa The Lowy Institute at The National Interest.

5. Gangnam Style - Psy

At sinong makakalimut sa tila naging national dance song ni Psy na Gangnam Style na naging patok patok rin sa international scene.

Sa kanyang FB page na may mahigit na 11 million likes at 9 million na followers, gumagawa pa rin ng kanta si Psy.

Dagdag pa sa balita, inanunsyo daw na umalis na sya sa kanyang talent agency na YG Entertainment noong 2018.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Naguluhan na?! Nancy Binay, may gustong klaruhin sa listahan ni Paolo Duterte

Naguluhan na?! Nancy Binay, may gustong klaruhin sa listahan ni Paolo Duterte

Naguluhan na?! Nancy Binay, may gustong klaruhin sa listahan ni Paolo Duterte
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel