Lalaking umano'y lasing, sinugod at pinagsusuntok ang gwardiya nang pababa sa hagdan!

Lalaking umano'y lasing, sinugod at pinagsusuntok ang gwardiya nang pababa sa hagdan!

- Viral ngayon ang video ng isang lalaking mistulang nakainom at umano'y gumamit ng ipinagbabawal na gamot ang nambugbog sa isang gwardiya

- Makikita sa nasabing video na inupload ng isang concerned netizen na si Allan Macasulong sa Facebook kahapon lang

- Maraming netizens naman ang humanga sa gwardya dahil hindi nito nilabanan ang lalaking umatake sa kanya, sang-ayon sa kanilang tungkulin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon ang isang lalaking nakipagbuno sa isang gwardiya nang itulak ang sekyu pababa ng hagdan na mistulang nagpagulung-gulong paibaba ang dalawa. Kinunan ang nasabing video ng isang concerned netizen na isa sa mga nakasaksi ng engkwentro.

Nalaman ng KAMI ang nangyaring insidente dahil sa kumalat ito bigla sa social media at ishinare ng mga naiiritang netizens.

Sa hindi pa nalalamang dahilan ng engkwentro sa pagitan ng sekyu at ng lalaki, makikita sa video na parang nakainom at umano, ayon sa netizens, ay may impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.

Sa paraan ng pananalita ng lalaki ay may posibilidad nga ang kuro-kuro ng netizens. At ayon sa kanila at nararapat lang daw na ikulong ang lalaki.

Mapapanood din sa video na nasimulan na sa maaaring kalagitnaan ng engkwentro ng dalawa nang sugurin pababa ng hagdan ng nasabing lalaki ang sekyu. Makikita rin na umaagos na ang sariwang dugo mula sa ulo ng sekyu na hindi lumaban sa suspek habang dinambahan ito.

Maraming mga dumaraan at naglalakad ang nakasaksi sa insidente at tumulong na rin na awatin ang lalaking wala sa wisyo.

Agad na rumesponde ang iba pang sekyu sa tulong na rin ng iba pang empleyado. Hindi pa rin kumpirmado kung saan naganap ang insidente.

Sa huli ay pinosasan ang suspek at isasailalim na sa kustodiya ng pulisya.

Panoorin ang nasabing video sa ibaba:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? In this video, you can see all the effects of littering and how it's being handled by the locals. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel