Lian Paz, naglabas ng saloobin tungkol sa ex-husband at pagbubuntis ni LJ Reyes

Lian Paz, naglabas ng saloobin tungkol sa ex-husband at pagbubuntis ni LJ Reyes

- Parehas nang masaya sina Paolo Contis at dating asawang si Lian Paz

- Si Lian ay kuntentong-kuntento siya sa piling ng kanyang partner na si John Cabahug

- Masaya daw si Lian para kanina Paolo at LJ Reyes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Base sa mga Instagram post ng dating EB Babe na si Lian Paz, mukhang masaya at kontento na siya sa kanyang buhay pamilya kasama ang kanyang partner na si John Cabahug at ng kanilang mga anak.

Kaya naman masaya daw siya para sa magkasintahang Paolo Contis at LJ Reyes na ngayon ay maligayang maligaya sa pagbubuntis ni LJ

"I am happy for her and I wish her well," tugon niya nang tanungin siya sa pamamagitan ng isang panayam ng Pep.

Sa lumabas na interview naman ni Paolo at LJ, sinabi ng aktor na inaayos pa nila ni Lian ang annulment ng kanilang kasal at ganito rin ang pahayag ng ina ng kanyang dalawang anak.

"Regarding our annulment, it’s actually a long story, but as far as I know, it’s under process," sabi ni Lian.

Ayon pa kay Paolo nais niyang personal na puntahan ang kanyang anak upang personal na sbihin sa kanila ang tungkol sa pagkakaroon nila ng bagong kapatid.

Sa kasalukuyan daw ay hindi pa rin alam ng dalawang anak nila ni Lian ang tungkol sa pagbubuntis ni LJ.

"Matagal nang walang communication ang mga bata sa kanya.

"If I’m not mistaken, five years na ang mga bata na under my protection and John’s security po," dagdag pa ni Lian.

Tumutulong si Lian sa pagpapatakbo ng negosyo nila ni John. Nagtatrabaho si Lian bilang operations manager ng resort at under construction ang bagong 5-hectare resort nila sa Dalaguete, Cebu.

Si Lian ang dating asawa ni Paolo Contis. Naninirahan sila Lian at ang pamilya nila ni John Cabahug sa Cebu mula nang talikuran ang showbiz dahil priority niya ang pamilya nila ni John.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel