Babaeng muntik manakawan at magahasa, nasagip ng mga nagpapatrolyang pulis

Babaeng muntik manakawan at magahasa, nasagip ng mga nagpapatrolyang pulis

- Nasaklolohan ng mga nagpapatrolyang pulis ang isang babaeng ninakawan na raw at muntik pang halayin

- Nahuli at napatay ng mga pulis ang dalawang suspek

- Talagang na-trauma ang babae na maririnig na walang tigil sa pag-iyak sa video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maswerteng nadaanan ng mga nagpapatrolyang pulis ang isang babaeng nagtatakbo at nakatakas sa mga lalaking tinagka siyang nakawan at halayin.

Nalaman ng KAMI na nagpaptrolyo noong Agosto 30 ng hatinggabi ang mga pulis ng Batasan Police Station 6 sa Legaspi St. Payatas, Quezon City.

Nakita nilang nagtatakbo ang isang babaeng sira na halos ang damit at humihingi ng saklolo.

Nakatakas umano ang babae mula sa dalawang lalaking hinahabol pa rin siya ng oras na iyon.

Maya maya pa ay nahuli at napatay din ng mga pulis ang dalawang suspek natinangka pang tumakas ngunit di naman nakalayo.

Makikinig sa video ang mga putok ng baril na pinakawalan ng pulis habang ang ilan sa kanila ay pinakakalma ang babae na masasabing na-trauma talaga sa pangyayari.

“Kuya ayoko pa pong mamatay,” wika ng babae habang panay ang paghagulhol nito sa sobrang takot.

Ayon sa police report, agad na nakatakas ang babae sa posibleng pagnanakaw at paggahasa kaya naman nakita pa nila itong humahangos sa pagtakbo.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa facebook ng Kyusi:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

How Do You Say. Cheers In Filipino? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
President Duterte says a priest died because of AIDS in Davao

President Duterte says a priest died because of AIDS in Davao

President Duterte says a priest died because of AIDS in Davao
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel