Kyline Alcantara, ganito pala ang reaksyon pag nasasaktan ng fans

Kyline Alcantara, ganito pala ang reaksyon pag nasasaktan ng fans

-Kahit napunit ang damit, nasabunutan at nakalmot ng fans, happy pa rin daw si Kyline Alcantara sa reaksyon ng mga fans

-Sana daw ay 'wag ma-bash ang mga fans na nakapanakit at nakapunit sa kanyang damit

-Sabi pa ng aktres, kung siya ang nasa kalagayan ng mga ito ay ganun din ang kanyang reaksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napunit ang damit, nakalmot at nasabunutan pa si Kyline Alcantara ng kanyang mga fans sa isang mall show.

Sa isang video na pinost ng Artista Channel Facebook group, makikitang kahit pa nasaktan ay hindi nagreklamon si Kyline.

Kahit pa punit ang damit ay nakakatawa pa rin ang young Kapuso star at kinumusta pa ni Kyline ang kanyang fans na ayon sa isang boses sa video ay may mga nasaktang fans din.

Nang tanungin naman si Kyline kung ano ang nagiging reaksyon niya kapag ganito na ang mga fans ito ang sagot niya.

"Happy ako! Hindi ako nahurt eh, I mean it’s their natural reaction,

Guys, wag niyong [i-bully] yung gumawa nito. General reaction niya yun. Basta intindihin na lang natin dahil kung kayo rin naman siguro – kung ako – isa akong fan, siguro ganon din magiging reaction ko. I still love you guys!” sabay flying kiss sa camera.

Mula naman sa report ng Trendy Feed, ilang netizens naman ang nagreact sa video na ito.

Netizen: "Grabe ibig sabihin lang nyan magaling ka kasi nadadala sila sa akting mo at ayaw ka nila. you are so talented and pretty god bless and stay humble. Malayo pa mararating mo at matured ka mag isip,”

Netizen: "Halata namn na wlang arte tong si kyline ehh.tska mabait pa."

Netizen: "Di pa sya masyadong sikat nun. Annaliza days nya. Nasa parada sila dito dati. Bata pa sya non. And sobrang nakakatuwa kasi kada baby na makikita nya binubuhat nya, tas bawat matanda nagmamano sya. Stay humble kyline!!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you want to stay on top with all of the latest social problems and hear people’s life stories? If your answer is “yes”, then this playlist in exactly what you need! How Do You say “cheers” In Filipino? – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman

Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman

Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel