Toni Gonzaga, bumubuhos pa rin ang endorsements kahit ngayong mommy at wifey na

Toni Gonzaga, bumubuhos pa rin ang endorsements kahit ngayong mommy at wifey na

- Kamakailan lang ay dumalo si Toni Gonzaga para sa isang fashion show ng laundry brand soap na iniindorso nya ngayon

- At kapansin-pansin kung gaano pa rin karami ang kanyang mga endorsements kahit ngayon ay happy wife at mommy na sya

- Isa na yata si Toni sa napakaswerte na aktres-host-performer-singer na marami ng na-endorsed na malalaki at kilalang mga produkto, simula noong dalaga pa sya hanggang ngayong may-asawa at anak na sya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Radiant na radiant nga mommy of one na misis na Ultimate Multimedia Superstar ng Kapamilya network na si Toni Gonzaga sa latest event na dinaluhan nito para sa iniindorsong laundry soap.

Nagbahagi nga ng mga snaps ang Push website sa nasabing okasyon na kitang kita naman ang kinang ng kagandahan ng nag-iisang Romantic-Comedy Queen.

Naispatan din ng KAMI ang ilang snaps na shinare ni Toni sa kanyang Instagram page na may halos 5 million followers na.

At hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kahit misis at mommy na itong si Toni Gonzaga ay inuulan pa rin ng blessings ng endorsements.

At ngayon ay kasama pa nya ang kanyang mister na si Direk Paul Soriano, ang kanilang unico hijo na si Baby Seve, at ang kanyang sissum na si Alex Gonzaga.

Sabi nga nila dahil sa kanyang pagiging obedient na anak, kaya naman lalong pinagpapala si Toni sa karera at lalong lalo na sa buhay pag-ibig at pamilya.

Bago pa man maging Mrs. Celestine Soriano si Toni Gonzaga ay marami na din itong mga bigating produkto at mga commercial facilities o services na inindorso gaya ng Sprite, Palmolive, Biguerlai Tea, Bluewater Day Spa, Careline, Creamsilk, Colgate, Enervon, Faces & Curves, Fujidenzo, Lactacyd, Nesvita, Nestea Iced Tea, Samsung, Acer, OPPO, Shapes, Ford, Nescafe, Merrell , PRIVA PH Care, Ponds, at marami pang iba.

Kahit ngayong married at may baby na sya ay umaapaw pa rin ang endorsements gaya ng Ponds, Perla, Hemarate FA , Pampers, Gold Seas, Red Ribbon, Khaleb, Belo, at Nature's Spring.

Si Toni Gonzaga o Celestine Cruz Gonzaga ay nag-asawa sa kanyang una at huling boyfriend na si director Paul Soriano noong June 12, 2015, 8th anniversary nila.

Nabahagi ng Ultimate Multimedia Superstar na sinagot niya si Paul sa araw ng kalayaan, at noong September 30, 2016, ay pinanganak nila ang kanilang first baby, ang kanilang unico hijo na si Severiano Elliott o mas kilala sa showbiz bilang si Baby Seve.

Nakakabatang kapatid niya ang Vlog Superstar ngayon na si Alex Gonzaga.

POPULAR: Read more news about Toni Gonzaga here

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel