Away bata lang? Binatilyo, nasawi sa hampas ng kahoy ng na kaaway

Away bata lang? Binatilyo, nasawi sa hampas ng kahoy ng na kaaway

- Nasawi ang 14 na taong gulang na binatilyo dahil lamang daw sa away bata

- Hinampas daw di umano ang binatilyo ng nakaalitan ng kahoy

- Wala man lang daw umawat sa away ng dalawang binatilyo na tila binuyo pa raw ng mga tambay ang nanghampas ng kahoy na gawin ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patay ang isang 14 na taong gulang na binatilyo sa Barangay 144, Caloocan City. Nakunan ng CCTV sa kanilang lugar kung paano pinaghahampas ng kahoy ang ng kanyang kaaway ang binatilyo na nauwi sa kanyang pagkamatay.

Nalaman ng KAMI na papunta lamang daw ng tindahan ang 14 n taong gulang nang sundan di umano ito ng 15 na taong gulang na suspek kasama ang ilang tambay.

Nakita rin sa CCTV kung paano pinaghahampas ng suspek ang biktima. Nakapagtataka raw na di manlang nagawang pigilan ng mga tambay ang suspek.

Agad na nakatakas ang 15 taong gulang na binatilyo gayundin ang mga "nanood" lamang na tambay.

Ilang babae na lamang ang tumulong sa bitima. "Noong una ho away-bata po 'yan eh. Noong napansin na lang po namin na nagkagulo, 'di namin alam na ganoon ang mangyayari," salaysay ni Christopher Viado, kagawad sa lugar.

Kataka-taka rin daw na tila inudyok pa raw ng mga tambay ang binatilyo at di manlang ito inawat.

"Parang inuudyukan pa ng mga tambay doon. 'Di man lang nila inawat," dagdag ni Viado.

Humihiyaw ng katarungan ang pamilya ng biktima. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakasagkot ng mga tambay sa krimen dahil balak ding kasuhan ng pamilya ng biktima ang mga tambay na kasama ng suspek.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

How Do You Say. Cheers In Filipino? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel