Nonong Ballinan, mas pinili ang pagpapatawa sa kabila ng mabigat na pinagdaanan

Nonong Ballinan, mas pinili ang pagpapatawa sa kabila ng mabigat na pinagdaanan

- Ibinunyag ni Nonong Ballinan ang mga pagsubok na humadlang sa pangarap niyang maging komedyante

- Sinabi nito na ayaw ng kaniyang ama sa napiling pangarap ni Nonong

- Isiniwalat pa niya na nakunan daw ang kaniyang dating kinakasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isiniwalat ng komedyante na si Nonong Ballinan ang katotohanan na hindi napigilan ng mga pagsubok ang kaniyang pangarap na magpatawa ng maraming tao.

Nalaman ng KAMI na minsan nang tumuntong sa entablado si Nonong habang dala-dala ang mabibigat na problema sa buhay.

Pahayag niya sa isang panayam sa programang Tonight With Boy Abunda, hindi daw sang-ayon ang kaniyang ama sa pangarap na maging komedyante si Nonong.

Paliwanag ng aktor, gusto ng kaniyang tatay na sumunod siya sa yapak nito na maging isang Engineer.

“Nung panahong nagsisimula ako sa standup ay yung tatay ko ayaw niya ng comedy,” sabi ni Nonong.

“Parang tipikal na magulang din na gusto niya sumunod ako sa yapak niya,” giit pa niya.

Ayon din sa komedyante, madalas daw siyang tanungin noon ng kaniyang ama kung kumikita siya sa pagpapatawa ng maraming tao.

“’Kumikita ka ba ba diyan?’” ayon daw sa ama ng aktor.

“Masakit (yun) kasi ito na ang passion ko e. Dati wala akong pangarap,” paliwanag pa niya.

Bukod sa hindi pagsang-ayon ng kaniyang ama sa pangarap ni Nonong, nakunan din daw ang dati niyang kinakasama na lalo pang nagpahirap sa pagpapatawa niya.

“Meron akong partner nun tapos nakunan siya,” pag-amin ng komedyante.

Sa kabila ng mga pagsubok na dumating, hindi pa rin daw tumitigil si Nonong na magpasaya ng mga tao.

Ibinunyag ng aktor na masaya siya ngayon dahil sa kaniyang kasintahan na si Reg.

Ipinangako ni Nonong na gagamitin niyang inspirasyon ang kaniyang nakaraan upang maging loyal sa kaniyang nobya.

“Galing po ako sa broken family at nararamdaman ko nung bata ako kung gaano kahirap yung maraming komplikado sa buhay,” sabi pa niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, pormal nang ipinakilala ni Nonong ang kaniyang girlfriend at inamin na dalawang taon na silang nagsasama.

Kilala si Nonong bilang contestant at second runner up ng segment na “Funny One” sa It’s Showtime. Nakabilang din ang aktor sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 bilang isang celebrity housemate.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel