Uwian fail! Viral ang batang inaantok nang lumabas sa classroom dala ang inakala niyang bag niya

Uwian fail! Viral ang batang inaantok nang lumabas sa classroom dala ang inakala niyang bag niya

- Tampok ngayon sa social media ang isang batang estudyante na labis ang pagkaantok at biglang ginawa ang isang hindi inaasahan na magpapahagalpak sa nanay niya

- Kuha sa isang CCTV footage ng paaralan ang oras nang pagsundo ng mga magulang sa kanilang mga anak nang gisingin ng isang ginang ang natutulog na anak

- Nang magising ito, agad namang tumayo at tinangay ang isang upuan na inakala niyang bag nya at isinukbit nang tuluyan papalabas sa silid-aralan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa social media ang isang batang estudyante na nagpatawa sa netizens sa dahil sa isang hindi akalain ng marami na gagawin niya. Sa bagay, lahat naman ng inaantok ay may karapatang malito sa mga bagay-bagay!

Nalaman ng KAMI ang tungkol sa viral video matapos itong agad na kumalat sa social media na ishinare ng maraming netizens na napatawa rin sa ginawa ng mag-aaral.

Nakuha ang video mula sa CCTV footage ng isang silid-aralan ng isang paaralan na hindi pa nakikilala kung saan.

Mapapanood sa video na uwian na at oras na upang sunduin ang mga mag-aaral ng kanilang mga magulang dahil paparating na rin ang kasunod na klase na uupo sa loob ng parehas na silid.

Kuha ang pag-aasikaso ng isang ina habang inaayos ang mga gamit ng kanyang anak na mahimbing na natutulog sa kanyang inuupuang bahagi ng mesa.

Agad din namang nagising ang bata nang maramdaman ang pagliligpit ng ina sa kanyang mga gamit. Tumayo ito at biglang dinampot ang katabing upuan.

Patuloy naman ang pag-alis nito sa kinalalagyan habang isinusukbit sa likod na parang isang bag ang upuan. Ani netizens, ito raw ang resulta kapag sobrang antok ka na.

Hindi naman napigilan ng nanay ang pagtawa at kinunan pa ito ng video o litrato sa kanyang cellphone habang naglalakad ang anak na wala sa wisyo.

Sabay ring nagtawanan ang ibang mga magulang na nakasaksi sa nakatatawang pangyayari.

Panoorin ang buong video sa ibaba:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? In this video, you can see all the effects of littering and how it's being handled by the locals. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel