Mga hindi pa natapos na mga pangako ni Marlo Mortel sa yumaong Mommy

Mga hindi pa natapos na mga pangako ni Marlo Mortel sa yumaong Mommy

- Kamakailan lang ay napanayam ng entertainment press ang Kapamilya actor-singer na si Marlo Mortel pagkatapos ng premiere night ng pelikulang Petmalu, kung saan kasali sya

- Sa nasabing interview ay naibahagi ng actor-singer ang pagkalungkot nya dahil hindi na napanood ng kanyang yumaong Mommy ang pelikula

- Dito rin ay pinahayag nya ang mga pangako nya sa kanyang ina na hindi pa natatapos, ayon na rin umano sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naispatan namin ang balita sa PEP, at sa nasabing panayam ng source media outlet ay malungkot raw si Marlo Mortel dahil hindi na napanood ng kanyang ina ang kanyang pelikula na Petmalu na ipapalabas na simula sa September 5.

Ani pa sa napag-alaman ng KAMI, nilu-look forward daw ng kanyang yumaong Mommy na mapanood ang nasabing movie.

FPJ's Ang Probinsyano, ang huling proyekto na napanood umano ng ina nya.

Saad pa ni Marlo Mortel tungkol rito:

“Nandoon kasi ako ngayon. Naabutan pa niya. Nag-text pa siya sa akin, last week lang na, ‘Napanood kita sa Ang Probinsyano.’"

Dagdag pa niya:

"Kasi nga, conscious naman siya, okay naman siya. Kaya nga hindi namin inaasahan ang pagkamatay niya.Bigla na lang may pumutok na blood vessel.Akala namin, mag-i-improve pa ang health. Kaya lang, ang katawan niya kasi, marami nang damage.Hindi na lang kasi siya cancer, iba’t iba ang nangyari for the past year.”

Sa pagpatuloy na bahagi ni Marlo, nakatulong ng malaki ang pagtatrabaho niya at mas kailangan pa daw nyang magtuluy-tuloy.

May ibinahagi pa ang Kapamilya actor at singer sa mga sinasabi sa kanya.

Ayon sa kanya:

“Sabi nga nila, parang bago siya nawala, parang hinanda na lahat sa akin. Nagsabay-sabay. May concert, may album, may Ang Probinsyano."

Pero malungkot sya dahil hindi daw naabutan ng kanyang ina ang lahat.

"Malungkot na hindi niya naabutan lahat, pero pinag-pray niya rin yun, for sure."

Ang pinakanalungkot si Marlo ay kapag naiisip nya na kung anu pa man ang pwedeng mangyari sa kanya ay hindi na ito makakasama o maibabahagi sa kanyang ina.

Dito naibahagi ni Marlo ang mga pangarap na hindi pa natapos niyang makamit para sa kanyang Mommy.

Sabi niya:

“Yung pangako ko na magkakabahay pa kami ng bago, magkakaroon ako ng family. Tapos eto nga, yung ngayong taon na mga concerts, marami pa sana siyang ilu-look forward."

Sa pagpatatapos nya, inilarawan nya ang kanyang ina.

“Simple lang kasi ang mommy ko, gusto lang talaga niya sa bahay, magmu-mall lang kami. Wala rin siyang bisyo. Never siyang uminom, never siyang nagyosi. Kaya nagtataka kami bakit ganun ang nangyari.Vegetarian pa siya. Hindi rin siya gumigimik.”

Kani-kanilang ay ibinahagi namin ang tungkol sa huling sandali nya kasama ang kanyang yumaong Mommy.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel