Anak na sinama ng inang wala sa sarili, nakita muli ang ama matapos ang 30 taon

Anak na sinama ng inang wala sa sarili, nakita muli ang ama matapos ang 30 taon

- Emosyonal ang naging pagtatagpo ni Teresita at ng ama na 30 taong nawalay sa isa't isa

- Sinama si Teresita ng kanyang ina na mayroon pa lang sakit sa pagiisip hangaang sa kung saan saan sila napadpad at tuluyan na siyang iwan ng ina

- Sa tulong ng programang Kapuso mo Jessica Soho, napagtagpo muli si Teresita at ang kanyang pamilya

Nakakaiyak at nakakaantig ang pagtatagpo ni Teresita at ang kanyang ama na 30 taong di nagkasama sa tulong ng programang Kapuso mo, Jessica Soho.

Nakakadurog ng puso ang kwento ni Teresita kung saan limang taong gulang pa lamang siya, sinama siya ng kanyang ina sa pag-aakalang sila ay mamasyal para sa kanyang kaarawan.

Nlaman ng KAMI na malinaw sa alaala ni Teresita na sumakay pa sila ng kanyang ina ng tren, ngunit dahil wala silang pamasahe, pinababa din sila.

Mula Quezon, sumakay pa sila ng bangka. Doon nagsimulang mapansin ni Teresita na tila naiiba na ang mga ginagawa ng kanyang ina at tila nawawala na ito sa sarili.

Nang mapapadpad sila sa isang isla, sa Quezon pa rin, may kumupkop sa kanilang mag-ina. Ngunit kinagabihan, nagpunta na lamang sa dagat ang nanay ni Teresita at di na niya muli itong nakita.

Mula noon, lalong naging masalimuot ang kabataan ni Teresita. Nagpapapalit palit ang taong kumupkop kay Teresita, Naranasan pa siyang pagmalupitan ng isa sa mga pamilyang kumupkop sa kanya, dahilan para siya ay maglayas at noon ay napunta ng man siya ng Baguio.

Ngayong may sarili nang pamilya si Teresita, ang hiling naman niyang makita ang mga kapatid at ama ang kanyang ninais magawa na naisakatuparan naman.

Di na niya inaasahan na magkikita-kita pa sila kaya labis na lamang ang bumuhos na emosyon nang mayakap nila muli ang isa't isa.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

How Do You Say. Cheers In Filipino? | HumanMeter oon KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Homeschooling! 4 Filipino celebrities who chose homeschool for their children

Homeschooling! 4 Filipino celebrities who chose homeschool for their children

Homeschooling! 4 Filipino celebrities who chose homeschool for their children
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel