Batang umano'y patay sa sapak ng kanyang tiyuhin, nalaman ng pulisya na sinakal din pala

Batang umano'y patay sa sapak ng kanyang tiyuhin, nalaman ng pulisya na sinakal din pala

- Patay ang 5 taong gulang na batang babae na si "Mika," hindi niya tunay na pangalan, matapos umanong suntukin ng kanyang tiyuhin

- Nitong Lunes lamang natagpuan ng mga awtoridad ang walang buhay na katawan ni Mika sa labas ng isang computer shop sa Baseco compound

- Ayon sa report autopsy report, lumalabas na bukod sa panununtok ng tiyuhin ay nakaranas din ng asphyxia by strangul@tion o pananakal ang biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis ang pagdadalmhati ng dalawang ina ni "Mika," isang 5 taong gulang na batang babae matapos bawian ng buhay dahil umano sa kanyang tiyuhin na sinapak siya. Natagpuan nitong Lunes ang katawan niyang nakahandusay.

Nalaman ng KAMI na ang katawan niyang nakahandusay ay natagpuan nitong Lunes lamang sa labas ng isang computer shop sa Baseco Compound sa Tondo.

Nagluluksa ang dalawang ina na sina "Dian," ang tunay na ina ng biktima na nagpaampon kay "Karla," pamangkin ni Dian na nagmamay-ari ng isang computer shop sa Baseco Compound.

Ayon sa pulisya at mismo na rin suspek na bayaw ni Karla na si "Jun," sinuntok daw niya sa tiyan ang bata dahil nanggalaiti siya rito nang sobra.

Nang makapanayam naman si Jun ng ABS-CBN TV Patrol, inilahad ng suspek na nakainom siya at nakahithit na rin ng methamphetamine o shabu.

Bukod pa rito, nakalap din ng mga awtoridad ang kopya ng CCTV footage kung saan kasunod ni Jun si Mika na lumabas sa harap ng bahay ni Karla. Makikita sa nasabing footage na pasulyap-sulyap ang suspek sa magkabilang gilid na tila ay hindi ito mapalagay.

Sang-ayon na rin sa ulat ni C/Insp. Rommel Anicete at ng autopsy na isinagawa sa katawan ng bata, lumalabas na bukod sa malakas na hagupit ng suntok ni Jun sa tiyan ni Mika, naging sanhi rin ng pagkamatay ng bata ang hindi paghinga bunsod ng pananakal.

Matapos nito ay tuluyan nang kinasuhan ng murder ang nakakulong na si Jun.

Panoorin ang buong report ng TV Patrol sa ibaba:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? In this video, you can see all the effects of littering and how it's being handled by the locals. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
President Duterte says a priest died because of AIDS in Davao

President Duterte says a priest died because of AIDS in Davao

President Duterte says a priest died because of AIDS in Davao
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel