Lagot! MMDA, hinahanap ngayon ang babaeng nag-viral dahil sa “In My Feelings” challenge

Lagot! MMDA, hinahanap ngayon ang babaeng nag-viral dahil sa “In My Feelings” challenge

- Kasalukuyang hinahanap ngayon ng MMDA ang babaeg nag-viral dahil sa kanyang “In My Feelings” dance challenge sa EDSA

- Ayon sa MMDA, lumabag ang babae sa Anti-Distracted Driving Act

- Patuloy namang nagpapaalala ang MMDA sa mga motorist ukol sa dance challenge na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nalaman ng KAMI sa GMA News na kasalukuyang tinutuntun ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang babaeng naging viral dahil sa kanyang “In My Feelings” dance challenge sa kahabaan ng EDSA. Ayon sa MMDA, nilabag nito ang Anti-Distracted Driving Act.

Matapos kumalat sa Internet, nakakuha ng mahigit 300,000 na views ang babaeng walang pigil sa dance challenge. Kasama ang kanyang mga kaibigan na todo ang cheer at suporta sa kanya.

May nahanap ng tao na posibleng 'yun din ang babae sa viral video, pero naghihintay pa ng kumpirmasyon ang MMDA mula sa taong iyon. Hindi pa muna nagbigay ng pangalan ang MMDA dahil posibleng menor de edad pa ito.

Noon pa man, nagbabala na ang MMDA sa mga taong gusting gawin ang dance challenge.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, “Kung sa loob ho ng village niyo gagawin, parking lot, ‘yun ho ang mga lugar na hindi sakop ng MMDA.

“Pero subukan niyo lang ho gawin ‘to sa mga major thoroughfare, EDSA, C-5, Commonwealth, Mabuhay lanes, papatawan po kayo ng mahigit limang libo na multa,” dagdag niya pa.

Ang lalabag sa Anti-Distracted Driving Act ay magbabayad ng multang P5,000 sa first offense, P10,000 naman para sa second offense at P15,000 naman saka pagsuspende ng lisenysa sa loob ng tatlong buwan para sa third offense.

Ang paglabag na nasabi ay maaari ring ituring na Reckless Driving na may multang P500 sa unang pagkakahuli, P750 naman sa ikalawang offense at P1000 naman saka pagbawi ng lisensya naman sa ikatlong paglabag.

“’Yung kaligtasan ho ninyo ang unahin niyo bago ‘yung likes at shares sa social media,”

Iyan naman ang panawagan ng MMDA sa mga motorista.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Philippines Story is a project that may change your attitude towards people. In this set of videos, we ask different professionals from the Philippines to share their life stories. Our today’s heroine didn’t finish her education but found the work of her dreams. You probably know her as Jen Pili, a makeup artist, and a vlogger. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
The historic Balangiga Bells are back home in PH at last

The historic Balangiga Bells are back home in PH at last

The historic Balangiga Bells are back home in PH at last
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel