Inalala ni Marlo Mortel ang mga huling sandali kasama ang kanyang Mommy

Inalala ni Marlo Mortel ang mga huling sandali kasama ang kanyang Mommy

- Coping pa rin si Marlo Mortel sa pagpanaw ng kanyang Mommy pagkatapos ng pakikipaglaban nito sa sakit na cancer

- Ngayon, sa isang panayam sinabi ng Kapamilya singer-actor na dapat tuloy lang daw ang buhay dahil ito din daw ang gusto ng kanyang yumaong Mommy

- Sa nasabing panayam ng entertainment press ay binahagi ni Marlo ang mga huling sandali na kasama ang kanyang mahal na ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nacremate na umano ang mga labi ng Mommy ni Marlo Mortel na si Merlie Pamintuan noong August 27, 2018, Lunes, ayon na rin sa balita na una naming napag-alaman sa PEP.

Sa naturang balita ay nalaman ng KAMI na kinagabihan umano ng nasabing araw ng pagcremate ay itinuloy pa rin daw ni Marlo ang kanyang obligasyon na dumalo sa premiere ng Petmalu film, kung saan kabilang sya, sa SM Megamall Cinema.

Inilahad ni Marlo Mortel sa mga reporters pagkatapos ng premiere night ang kanyang damdamin tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina.

Ani niya:

“Coping, coping. Ito naman ang gusto niya, tuluy-tuloy ko lang."

Sinabi din niya na madami na rin syang mga luha na inilabas dahil hindi naman biglaan ang pagkamatay ng kanyang ina.

Dagdag pa ni Marlo Mortel:

“Ang dami, kasi hindi naman siya biglaang namatay. Parang slowly dying siya. Three days kaming umiiyak kasi nga, nag-aagaw-buhay ng three days. So, ang hirap.”

Gayunpaman, kinailangan din ng Kapamilya singer-actor na tanggapin sa bandang huli na i-let-go na ang kanyang Mommy.

Pahayag pa niya:

“Acceptance na lang talaga ng bandang huli. Kahit yung mga family, relatives na nagme-message, nagpi-pray sa amin. Pakonti-konti, na-realize ko na kailangan na talaga niyang magpahinga dahil sobrang pagod na pagod na siya.”

Dito rin ay binahagi ni Marlo Mortel ang mga huling sandali kasama ang kanyang yumaong ina.

Ayon pa sa balita, kailan lang umano tinanggap ng singer-actor na anumang oras ay maaring pumanaw ang kanyang Mommy dahil na rin sa sakit na cancer

Paglalahad pa daw ni Marlo:

“Kapag may nagtatanong sa akin talaga, ‘Mag-prepare ka na kasi cancer.’ Sinasabi ko talaga, ‘Hindi.’ Actually, last night lang bago siya mawala. Kaya hindi siya nagle-let go."

Patuloy ng paliwanag niya:

“Kasi, Tuesday ng hapon [August 21], okay pa siya. Then, Tuesday night, bigla na lang siyang nag-seizure. Parang brain dead na siya. Ang nangyari, ginising ko lang siya nang ginising. Binubulungan ko siya. Parang patay na talaga siya nung Tuesday kung hindi ko lang siya ginising nang ginising na, ‘Mommy, gising ka na, gising ka na.’ After siguro ng… ang tagal, gumalaw siya, kaya lang siya nagkamalay. Naging conscious ulit siya."

Dugtong pa niya:

“Then, may minumuwestra siya sa kamay niya. Hindi namin maintindihan noong una, yun pala, nanghihingi siya ng pangsulat. Wala na kasi siyang voice. Yun pala, pagsulat na lang ang communication niya."

Dito nagpatuloy ng kanyang salaysay sa sinulat ng ina:

“Tinanong niya ano nangyari. Yun pala, hindi rin niya alam nangyari.”

Ibinahagi din umano ni Marlo na nawalan na umano ng hangin ang utak ng Mommy nya at wala na rin raw itong blood pressure nung last 2 days nito.

Dahil daw dito ay namaga ang mommy nya na makikita raw sa video noong kasama niya si Morisette Amon na kinakantahan ang ina habang nasa hospital bed.

Ayon pa kay Marlo:

“Kaya ang nangyari, namaga siya. Kung napanood niyo ang video namin ni Morissette, maga siya. Bloated everywhere.Yung first night na naka-survive siya na naging critical siya at nagising, kinabukasan may taping ako. After ng taping nung hapon, nag-collapse na naman siya. Kung ano yung nakita niyo kay Morissette, yun ang second day na mas manas na siya."

Dugtong niya:

“‘Tapos, nagsulat siya na, ‘Pahinga ka na, papahinga na ako.’”

Sa kabila ng mga pangyayari ay hindi pa rin daw sya pumayag na mag-let-go at pinagpatuloy pa rin nya ang life support ng ina.

“That day, hindi pa rin ako pumapayag na mag-let go, pinagpapatuloy ko pa rin ang life support niya. Kahit na inaawat na kami ng iba, pero ako, pinagpapatuloy ko pa rin dahil umaasa pa rin ako na mabubuhay pa rin siya."
“Kinabukasan, mas lumala pa siya. E, may shoot pa ako ng movie. Bago ako mag-shoot, nagpaalam ako. Then, nagsulat ulit siya ng ‘thanks for everything.’ Pagpunta ko sa shoot, tumawag ang daddy ko, at yun na pala ang huling isinulat niya."

Noong Huwebes ng gabi, pag-uwi umano nya galing sa taping, hindi na nagre-respond ang mommy nya at dito na raw siya nagdesisyon.

“Doon na ako nag-decide na, sige, payag na akong ialis ang life support. Kawawa na siya kasi para na siyang puputok. Pumayag na akong i-cut ang life support ng Friday afternoon."

Nakapagpaalam naman daw siya ng Huwebes ng gabi, Biyernes ng umaga.

"Nakapagpaalam pa ako ng Thursday night, Friday morning. Sabi ko, ‘Sige, Mommy, okay na kami rito.’ Pero nung Friday, hindi na niya hinintay na tanggalin ang life support niya, kusa na rin tumigil ang heartbeat niya."

Huling bahagi nya sa mga huling sandali na kasama nya ang Mommy nya:

“At least, binigyan niya ako ng two and half days more na makapag-goodbye, makapag-respond at kantahan pa siya.”

Una naming binalita rito ang malungkot na balita sa pagpanaw ng ina ni Marlo Mortel.

Naibahagi rin naman ang mga huling pag-uusap nila ng ina nya sa text messages, at ang pagtugon nya sa pasasalamat ng ina sa kanya.

Bago ang mga pangyayaring ito ay binahagi rin namin ang pagbisita ni Morisette Amon at pagkanta nila sa kanyang Mommy na naikwento nya sa nasabing panayam.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Recently, our group did another social experiment, and this time, our aim is the safety of the children in public places.

How safe are they in public places?

Find out and learn how it ended with the video below.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakagulantang! 5 rason kung bakit diumano iniwan ni Regine Velasquez ang GMA at lumipat sa ABS-CBN

Nakakagulantang! 5 rason kung bakit diumano iniwan ni Regine Velasquez ang GMA at lumipat sa ABS-CBN

Nakakagulantang! 5 rason kung bakit diumano iniwan ni Regine Velasquez ang GMA at lumipat sa ABS-CBN
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel