Ayon kay Defense Sec. Lorenzana, huwag gamitin ang martial law kung hindi naman kailangan

Ayon kay Defense Sec. Lorenzana, huwag gamitin ang martial law kung hindi naman kailangan

- Nagsagawa ng budget hearing kahapon, Martes, Agosto 29

- Napag-usapan ang posibleng pag-extend ng batas militar sa Mindanao

- Kinwestyon din ang malaking budget na hinihingi ng Department of National Defense (DND)

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang pagsabog na nangyari sa Sultan Kudarat noong Martes, giit naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang insidenteng ito ay hiwalay na kaso sa martial law.

Ayon kay Lorenzana, “[It’s] an isolated case,”

“Martial law kasi is an extreme measure that the government uses,” giit ng Defense Secretary.

“I think it should not be used likely. Kung hindi naman kailangan, huwag nating gamitin,” dagdag niya pa.

Nalaman ng KAMI sa Bandila na sa budget hearing na isinagawa kahapon, Miyerkules, Agosto 28, napagdiskusyunan nina Defense Sec. Delfin Lorenzana at South Cotabato Rep. Ferdinand Hernandez ang posibleng paglalawig ng batas military sa Mindanao.

Kinuwestyon din ang paghingi ng mas malaking budget ng Department of National Defense (DND) kumpara sa nakaraang taon.

Ayon sa kanila, kailangan nila ang dagdag na budget para sa mga bagay na inirekomenda nila base sa instruksiyon mula kay Pangulong Duterte, posibleng dagdag ng mga posisyon at sa dagdag sahod ng kanilang mga tauhan.

Sa nakaraang post ng KAMI, pinag-iisipan pa ng Malacañang ang posibilidad na pahabain pa ang martial law sa Mindanao. Ang batas militar ay ipinatupad sa Mindanao noong 2017 matapos salakayin ng mga terorista ang Marawi City.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Philippines Story is a project that may change your attitude towards people. In this set of videos, we ask different professionals from the Philippines to share their life stories. Our today’s heroine didn’t finish her education but found the work of her dreams. You probably know her as Jen Pili, a makeup artist, and a vlogger. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel