Gloria Macapagal-Arroyo, desidido na sa pagreretiro sa 2019

Gloria Macapagal-Arroyo, desidido na sa pagreretiro sa 2019

- Desididio na si Gloria Macapagal-Arroyo magretiro sa susunod na taon

- Sinabi rin niya na hindi na rin siya tatakbo pa sa Halalan 2019

- Patuloy rin naman ang kanyang pagsuporta sa pederalismo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo siguradong-sigurado na sa kanyang pagreretiro sa susunod na taon. Giit niya, hindi na rin siya tatakbo sa Halalan 2019.

Sa isang panayam ng CNN Philippines, sabi ni Arroyo, “Not just thinking. I am retiring.”

"I think there's a time when we should retire. I think there is some benefits to retiring," dagdag niya pa.

Napagalamanan ng KAMI sa GMA News na confident ang House Speaker na kayang pangatawanan ng mga nakababatang mambabatas ang kanilang mga trabaho.

Ayon kay Arroyo, “When you're in your retirement age... you have more wisdom, you become more tolerant, you become more willing to forgive and be forgiven,"

Sa panayam naman ng GMA News, ibinahagi ng House Speaker ang kanyang suporta para sa pederalismo.

Aniya, “Ako, personally, ang kagustuhan ko sa federalism ay 'yung kapangyarihan tinatanggal sa sentro, pumupunta sa rehiyon,"

"Tingnan naman 'yung draft ng Con-Com. Hindi naman parliamentary (form of government). Presidential. So ako, wala akong balak tumakbo," dagdag niya pa.

Para sakanya, dapat na magkaroon ng halalan sa susunod na taon.

Sabi niya, “Dapat tuloy ang eleksyon. Walang term extension,”

Sa dating post ng KAMI, nagulat ang marami nang naluklok si Gloria Macapagal-Arroyo bilang Speaker of the House ilang minuto bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte noong Hulyo 23, 2018.

POPULAR: Read more about Gloria Macapagal-Arroyo here!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Philippines Story is a project that may change your attitude towards people. In this set of videos, we ask different professionals from the Philippines to share their life stories. Our today’s heroine didn’t finish her education but found the work of her dreams. You probably know her as Jen Pili, a makeup artist, and a vlogger. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel