Tina Paner may bwelta kay Ynez Veneracion sa diumano'y "body shaming" nito

Tina Paner may bwelta kay Ynez Veneracion sa diumano'y "body shaming" nito

- Laman ng balita ngayon ang tila iringan ng isa sa mga Triplets at orihinal na Regal baby at That's Entertainment graduate na si Tina Paner at si Ynez Veneracion

- Mukhang may namumuong hindi magandang simoy ng hangin sa pagitan ng dalawang aktres dahil sa reaksyon ni Tina Paner sa isang komento ni Ynez at isang netizen sa social media

- Ibinahagi ni Tina ang nasabing "body shaming"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umalma ang Kapuso aktres na si Tina Paner sa di kaaya ayang komento ni Ynez Veneracion sa isang reply sa isang netizen sa kanyang Facebook account.

Nalaman namin ang kwento sa Fashion Pulis at PEP.

Naispatan ng KAMI ang naturang FB post at komento ni Ynez at ang Instagram post ni Tina Paner na screenshot sa nasabing komento.

Umalma nga ang isa sa orihinal na Triplets member na si Tina Paner sa diumano'y panlalait ni Ynez Veneracion sa kanyang pisikal na katangian, patuloy pa sa balita.

Ang naturang comment ni Ynez ay reply sa isang post niya sa Facebook.

Sa nasabing post ibinahagi nya ang larawan na kasama si Ramon Christopher "Monching" Gutierrez sa isang birthday party noong Lunes, August 27.

Isang netizen ang nag-iwan ng komento sa comment box sa nasabing Facebook post ni Ynez at sinabing:

"wow sis magkakasma pala kayo ni hazel at momching"

At dinugtungan pa ng:

"baka may magselos"

Na sinagot naman ni Ynez Veneracion ng:

"Hahahaha! Di naman cguro sis. May babalina at bansot naman syang bff hahaha! Magsama sila.(laughing emojis)"

Wala namang pangalan na ibinigay si Ynez kung sino ang kanyang tinutukoy pero sa reply ng netizen ay nabanggit ang apelyido ni Tina.

Ani ng netizen:

"Ynez Veneracion baka sabunutan kayo ni paner"

Ginamit naman ni Tina ang kanyang Instagram page para rumesbak at bweltahan si Ynez sa exchange of comments nito.

Isang screenshot ng nasabing exchange of comments sa Facebook between sa netizen at ni Ynez ang pinost ng Kapuso aktres sa kanyang Instagram at nilagyan nya ng caption.

Sabi ni Tina:

"Hahaha laki ng problema ni @ynez_veneracion888 pati pagiging babalina at bansot ko pinoproblema! Lol(emoji) #itsgodsgiftnotdoctorsgift(emojis)"

Bumuhos naman ang reaksyon ng mga followers ni Tina.

"naku laki ng ingit ni Ynez kay Tina kasi pure beauty hindi dumaan sa salamat dok ."
"@tinapaner71 sana puede rin i retoke ang ugali"
"Haha! Galing sumagot ni Ms. Tina Paner! Tama yan Ms Tina. In reality super ganda mo pati ugali. Idol ka namin since That's. We are glad na active na ka ulit sa showbiz"
"Hahhha boom (laughing) Hashtag talga eh"
"Paretoke mo na din ugali mo besh @ynez_veneracion888 baka sakaling gumanda din "
"Sa pagkakabasa ko, it’s as if ikaw ang magseselos and your bff are the babalina and bansot. Many say it’s Sheryl and Manilyn, but it couldnt be Sheryl—- yakap yakap pa nya recently sa bday nya, awkward naman... so bale ang nilait nya ay ang mga bffs mo “supposedly” —- regardless, it’s still foul."

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel