Ken Chan, inaming crush ang isang Kapuso actress

Ken Chan, inaming crush ang isang Kapuso actress

-Inamin ni Ken Chan na crush niya ang isang Kapuso actress at harapang inamin pa ito sa dalaga

-Dati ng nakatrabaho ni Ken ang tinutukoy na babae

-Ayon naman sa aktres na ito, harapang inamin sa kanya ni Ken ang feelings sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa press conference ng bagong show ni Ken Chan sa GMA Network, inamin nito na crush niya ang Kapuso actress na si Arra San Agustin.

"Alam ninyo sa totoo lang, maganda talaga si Arra, maganda talaga siya at hindi ako nahihiya sa kaniyang sabihin na, 'Alam mo bang crush kita?' Tawa lang siya nang tawa, ayaw niyang maniwala. 'Crush nga kita, ayaw mong maniwala?" kwento ng aktor ayon sa GMA News.

"So hindi ako nahihirapan tuwing may eksena kami 'pag kailangan kiligin," dagdag pa nito.

Ayon pa kay Ken, isang kahanga-hangang babae si Arra.

"Bukod sa maganda si Arra, sobrang independent niyang tao, na babae. Nabubuhay siyang mag-isa ngayon eh. Hindi siya umaasa sa, well-off kasi 'yung family niya, pero hindi siya umaasa sa magulang niya. Gusto niya sariling sikap niya, and I find it very girlfriend-material," sabi nito.

Nang tanungin naman si Arra,

"Masarap kasing katrabaho si Ken. Mabait kasi siya at saka 'yung kahapon na eksena namin, nakakadala talaga siya. Masasabi ko talaga na sa lahat ng mga nakatrabaho ko, especially 'yung mga ka-batch ko, ka-age ko na mga artista ngayon dito sa GMA. Si Ken, nagagalingan talaga ako, humahanga talaga ako kay Ken Chan," sagot nito.

Dati nang nagkasama sa isang TV series sila Ken at Arra kung saan gumanap sila bilang mag-asawa.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you want to stay on top with all of the latest social problems and hear people’s life stories? If your answer is “yes”, then this playlist in exactly what you need! How Do You say “cheers” In Filipino? – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel