Bee-da ang saya forever! Post-nup ng mag-asawa sa Jollibee, nag-viral

Bee-da ang saya forever! Post-nup ng mag-asawa sa Jollibee, nag-viral

- Nagviral ang post nuptial video na kuha sa Jollibee

- Agaw eksena ito dahil sa naiibang konsepto at sa matao pang lugar

- Ayon sa ilang netizens, nakaka-good vibes daw talaga ang video lalo pa at paborito talagang kainan ng mga Pinoy ang Jollibee

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaka-good vibes nga naman ang post nuptial video ng mag-asawang nakilalang sina Ansel at Ira.

Imbis na kunan ang post nuptial video na kadalasang ginagawa sa labas ng simbahan o sa lugar malapit sa kanilang reception, pinili nila ang Jollibee na pagdausan nito.

Makikita pa sa video na tila casual na kumain sa paborito nating fast food ang bagong kasal. Marahil, mahalaga ang kainang iyon sa ikinatatag ng kanilang relasyon.

Di alintana sa kanila ang dami ng tao na kumakain ng mga oras na iyon na tila nakisama rin sa kanila at di sila masyadong pinagtinginan kahit pa sina Ansel at Ira at nakadamit pangkasal pa.

Kumain pa sila ng chicken joy na marahil paborito nilang orderin sa Jollibee.

Kinasal sina Ira at Ansel noong Agosto 18, kaya naman masasabing swerte raw ang petsang 8-18-18 dahilan sa nag-viral ang post-nup video at pictures nila.

Samantala, halo halong emosyon ang binahagi ng mga netizens sa naiibang konsepto na ito ng post nuptial video.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang cute at sweet"

"Napakatotoo... Congrats guys!"

"Best post-nup ive ever seen"

"Ang kulit, jollibee talaga?"

"May forever sa Jollibee"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel