Palasyo, pinag-iisipan kung dapat ba i-extend ang martial law sa Mindanao

Palasyo, pinag-iisipan kung dapat ba i-extend ang martial law sa Mindanao

- Nagkaroon ng pambobomba sa Sultan Kudarat kahapon, Agosto 28

- Ang insidente ay nangyari sa kalagitnaan ng piyesta

- Kaya naman pinag-iisipan ng Palasyo kung dapat pa ba pahabain pa ang martial law sa Mindanao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang pambobombang naganap sa Sultan Kudarat kahapon, Agosto 28, pinag-iisipan ng Palasyo ngayon i-extend ang martial law sa kapuluuan ng Mindanao.

Napaglamanan ng KAMI sa Manila Bulletin na naglabas ng pahayag si Executive Secretary Salvador Medialdea tungkol sa trahedyang naganap sa Sultan Kudarat.

Aniya, “‘Yung mga signs na ganito hindi maganda yan e. Lives in danger na lang. Piyesta, pasasabugan lang. How would you feel?”

Ayon kay Medialdea, inoobserbahan pa ng Malacañang ang mga posibleng mangyari bago magpasya kung makakabuti ba ang pagpapatagal pa ng martial law sa Mindanao.

Sabi niya pa, “Not necessarily [recommend] but tingnan natin as it goes,”

“It’s an option but nandiyan yun. We’re trying to make it as easy as possible. But kung ganito pa rin ang nangyari, anong gagawin natin? Upo lang tayo diyan?” patanong na sabi ni Medialdea.

Nangyari ang pambobomba habang abala ang mga tao sa kalagitnaan ng piyesta ng Hamungaya.

Ayon sa pulisya, namataan ang bomba sa ilalim ng isang motorsiklo sa tabi ng national highway. Ang pagsabog ay naganap ng 8:34 ng gabi malapit sa isang gasolinahan sa Barangay Kalawag 3. Hanggang sa ngayon, hindi pa rin matukoy ng mga pulis ang motibo sa insidenteng ito.

Nagdeklara ng martial law si Pangulong Duterte sa Mindanao noong nakaraang taon matapos salakayin ng mga terorista ang Marawi City sa Lanao del Sur.

POPULAR: Read more about President Duterte here!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? In this video, you can see all the effects of littering and how it's being handled by the locals. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel