Walang pag-aalinlangan! Direk Cathy Garcia, isiniwalat ang opinyon niya tungkol kay John Lloyd Cruz

Walang pag-aalinlangan! Direk Cathy Garcia, isiniwalat ang opinyon niya tungkol kay John Lloyd Cruz

- Nagsalita muli ang direktor na si Cathy Garcia Molina tungkol sa aktor na si John Lloyd Cruz

- Sinabi nito na masaya siya para sa desisyon ng aktor na magpahinga sa showbiz

- Para kay Direk Cathy, wala pa ding nakakapantay sa galing ni John Lloyd sa pag-arte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas ng saloobin ang direktor na si Cathy Garcia Molina tungkol sa pamamahinga sa showbiz ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Nalaman ng KAMI na masaya ang award-winning director sa desisyon ng kaniyang kaibigan na si John Lloyd.

Kahit pa man hindi niya diumano alam ang kalagayan ng aktor, sigurado naman daw si Direk Cathy na nag-eenjoy si John Lloyd sa buhay nito ngayon.

“Right now, all I know, John Lloyd is living a happy life. Ba’t naman natin tatanggalin sa tao ‘yung pagiging happy? Ako rin naman pupunta sa happy life, ‘di ba?” sabi niya nang makapanayam ng Philstar.com.

Nang tanungin tungkol sa kaniyang opinyon kung tuluyan na ngang iiwan ni John Lloyd ang showbiz, buong-tapang at diretso ang naging tugon ni Direk Cathy.

Sinabi nitong tiwala siya na babalik pa din ang aktor dahil naging malaking parte na ito ng showbiz industry.

“Siguro kailangan lang niya magpahinga, parang ako. Hindi ko naman totally iiwan ang industriya, magpapahinga lang muna. Si John Lloyd parang parte na natin ‘yan eh. Nandyan lang yan,” pahayag niya.

Ibinunyag naman ng direktor na para sa kanya ay wala pa ring makakapalit at makakapantay kay John Lloyd dahil nananatili pa rin itong pinakamagaling na aktor sa industriya.

Bagama’t hindi sigurado kung handa na ang beteranong aktor na bumalik sa showbiz, sinabi pa din ni Direk Cathy na excited siyang makagawa ng pelikula kasama ang nasabing celebrity.

Isiniwalat ng direktor na may tatlo pa siyang gagawing pelikula bago ang kaniyang pansamantalang break sa paggawa ng palabas.

“After ‘Hows of Us,’ may three film pa to do. ‘Yung kay Sharon (Cuneta), Richard (Gomez) at Kathryn (Bernardo), ‘yung isa pinangako ko for Piolo, ‘yung isa ang hindi ko pa alam,” paliwanag ng batikang director.

“Of course I’m hoping na I’ll do it with John Lloyd, but I don’t know if he’s ready,” giit pa niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, tahasang ipinahayag ng direktor na hindi maaaring mangyari ang bali-balita na si Joshua Garcia na ang susunod na John Lloyd.

Isinilang noong November 28, 1971, si Direk Cathy ay kilala bilang isang Filipino film at television director. Isa rin siya sa mga itinuturing na box-office directors sa bansa dahil pito sa kaniyang mga pelikula ay kabilang sa highest-grossing Filipino films of all time.

Naging magkatrabaho sila ni John Lloyd sa halos lahat ng pelikula ng aktor kagaya ng “A Very Special Love,” “One More Chance,” “Finally Found Someone,” “It Takes a Man and a Woman,” at “You Changed My Life.”

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Famous celebrities who are awfully affected by the merciless wildfire in California

Famous celebrities who are awfully affected by the merciless wildfire in California

Famous celebrities who are awfully affected by the merciless wildfire in California
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel