"Weed boys", kinastigo ng NCRPO General sa pagmumura sa pangulo sa viral video

"Weed boys", kinastigo ng NCRPO General sa pagmumura sa pangulo sa viral video

- Nahuli na at ang ilan ay kusa nang sumuko sa pulisya ang binansagang "Weed boys" sa viral video

- Kinastigo ng NCRPO General mismo ang mga kabataang nag-fb live habang lango sa mari-juana

- 2016 pa raw ang nasabing video na kung kakalkulahin, mga minor ang mga lalaking ito sa panahong iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di napigilan ni National Capital Region Police Office Director-General Guillermo Eleazar ang kanyang sarili sa pagsesermon sa mga binansagang "weed boys" sa viral video.

Nalaman ng KAMI na 2016 pa pala ang video na ngayon lamang nag-viral. Lumalabas na mga minor pa ang mga kalalakihan sa video.

Mangiyakngiyak na humarap ang mga kabataang lalaki sa video na nakaramdam ng takot sa NCRPO Director General.

Ayon pa sa mga ito, wala na raw sila sa kanilang sarili nang panahong kinukuha ang video.

Na-hack daw ang facebook na isa nilang tropa kaya naman nitong buwan lamang kumalat ang video.

Isa pa nga sa kanila ang nagsabi na noong kumalat na lamang ang video, saka pa lamang niya nakita ang naturang video.

Dahil dito, kinastigo talaga ng NCRPO Director General ang mga lalaking ito at tinanong pa sila kung may masasabi pa rin sila sa pangulo ngayong sila'y nasakote na.

“Hindi niyo man lang naisip na yung ginagawa niyong iyon eh maapektuhan pati ang pamilya niyo, magulang niyo at saka mga kaibigan niyo noong time na ‘yon?” bungad ng heneral.

“Kasi kung makapag mura kayo, diba nga minumura niyo pa yung Presidente tapos pinagtatawanan niyo yung ginagawa nating effort para tulungan yung mga kabataan natin na lulong sa droga,” dagdag pa niya.

Samantala, tila naging maamong tupa ang mga lalaki na humingi ng tawad sa kanilang nagawa.

“Humihingi po kami ng tawad (sa Pangulo), pasensya na po sa nagawa namin, hindi na po kami uulit,” sinabi ng isa sa kanila habang umiiyak.

“Katuwaan lang po yung ginawa namin, alam po namin na marami kaming nasaktan na tao, sa mga pinagsasabi po namin doon sa video,” dagdag pa ng isa.

Nagawa rin nilang humingi ng patawad sa mga nakapanood ng video.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, commend Vhong Navarro's girlfriend for outstanding Halik script

Netizens, commend Vhong Navarro's girlfriend for outstanding Halik script

Netizens, commend Vhong Navarro's girlfriend for outstanding Halik script
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel