"Weed boys" emosyonal na humingi ng tawad sa pangulo, wala raw sa sarili sa video

"Weed boys" emosyonal na humingi ng tawad sa pangulo, wala raw sa sarili sa video

- Sumuko na sa pulisya ang binansagang "weed boys" sa viral video

- Laking sisi ng mga kabataang lalaki na mga ginawa at nabitawang salita sa viral video

- 2016 pa raw ang naturang video na nagviral nito lamang buwan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila naging maamong tupa ang mga maangas na kabataang lalaki sa viral video kung saan aktwal silang gumagamit ngmarijuanaat nagawa pa nilang murahin ang pangulo.

Nalaman ng KAMI na 2016 pa raw pala kinunan ang naturang video. Lumalabas na mga minor pa ang mga lalaking ito sa viral video na ngayong buwan lamang lumabas.

Katuwaan lang naman daw ang naturang video na kumalat lamang nang na-hack ang facebook ng isa sa mga kaibigan nila.

Sising sisi ang mga lalaking umiiyak na humingi ng patawad sa pangulo.

“Humihingi po kami ng tawad (sa Pangulo), pasensya na po sa nagawa namin, hindi na po kami uulit,” sabi ng isa sa kanila habang umiiyak.

“Katuwaan lang po yung ginawa namin, alam po namin na marami kaming nasaktan na tao, sa mga pinagsasabi po namin doon sa video,”dagdag pa ng isa.

“Hindi po namin alam ang ginagawa namin sa mga oras na ‘yon,” dagdag pa nila.

Samantala, di rin napigilan ni NCRPO Director General Guillermo Eleazar na pangaralan ang mga lalaki dahil sa nagawa nila lalo na ang pagmumura nila sa pangulo.

“Hindi niyo man lang naisip na yung ginagawa niyong iyon eh maapektuhan pati ang pamilya niyo, magulang niyo at saka mga kaibigan niyo noong time na ‘yon?” ani Gen. Eleazar.

Matapos mag-viral ang naturang video, kusa nang sumuko ang mga lalaki sa viral video.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel