5 Gorgeous sneakers na win na win sa OOTD ng mga celebs

5 Gorgeous sneakers na win na win sa OOTD ng mga celebs

Hindi naman isang sekreto na ang ating mga paboritong mga artista ay may iba't ibang klaseng sense of style when it comes to fashion at styling, at wala naman talagang kapantay ang kanilang mga estilo.

Sa pagpapaganda, hairstyles, pananamit, accessories, at kung ano ano pa.

Pero ang isa sa talaga namang agaw-pansin ay ang kanilang sapatos na over-the-top sa mahal at sa pagkamaringal.

Isa sa napaka-in ngayon na trend ay ang pagsusuot ng mga sneakers ng ating mga paboritong artista, at speaking of which, naispatan namin sa Preview, ang limang klaseng sneakers na "in" na "in" na sinusuot ng mga fave celebs natin.

At narito ang 5 pairs ng cool at trendy sneakers na naispatan ng KAMI, at ang mga celebrities na nagsuot nito.

1. Balenciaga Triple S

Ang It's Showtime host na si Anne Curtis ay bet na bet ay white na Balenciaga Triple S pero hindi naman talaga all-white ito, sa nakikita natin.

Isa syang kumbinasyon ng kulay na gray at off-white tones sa midsoles na nagbibigay ng "more edge" sa funky aesthetic na nito.

Winner na winner naman talaga si Anne when it comes to fashion and styling kaya maraming followers sa kanyang Instagram dahil na rin sa kanyang trendy OOTD snaps.

2. Nike Dunk Sky Hi

Isa rin si Nadine Lustre sa most followed Pinay celebrities sa IG dahil na rin sa kanyang cool na "in" na "in" na modern fashion.

Ang triple white edition ng Nike Dunk Sky Hi ay mas lalong naging perfect sa pagsuot nya nito.

3. Balenciaga Speed Trainer

Hindi din nagpahuli si Jessy Mendiola sa kanyang pretty and cool Balenciaga trainers.

4. Adidas Arkyn

Bet na bet naman ng anak ni Pure Energy Gary V na si Kiana Valenciano ang kanyang Adidas Arkyn sneakers na unique pero trendy.

5. Fila Disruptor 2

At bet na bet naman nina Loisa Andalio at Barbie Imperial ang all-white neat and clean na Fila Disruptor 2.

Kahit magpants ka gaya ni Loisa keri pa rin o mag denim skirt ka gaya ni Barbie pasok sa banga pa rin ang style mo.

Kaninong style ang gusto mo?

Anong sneakers ang bet mo?

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel