Ang laki ng perang nila! Literal na giant 1000 pesos, tampok ngayon sa social media

Ang laki ng perang nila! Literal na giant 1000 pesos, tampok ngayon sa social media

- Ibinada ng dalawang lalaki sa social media ngayon ang kanilang binuong higanteng 1000 pesos

- Napanganga at napahanga naman ang netizens sa galing nila sa pagbibigay-diin sa mga detalye ng pera na talagang kawangis ng normal na sanlibong piso

- Umabot na sa higit 4,000 views sa social media ang nasabing video nina Jayson Droña at Marvin Toledo Castro

Viral na ngayon sa social media ang obra ng 2 binatilyong sina Jayson Droña at Marvin Toledo Castro. Ito ay dahil sa nakamamanghang gian replica nila ng sanlibong piso na ibinida nila sa Facebook kamakailan lang.

Nalaman ng KAMI ang kanilang ibinida sa social media matapos nitong maging viral at mapabilib ang netizens sa kanilang kakayahan.

Inupload nina Toledo ang video na nagsasabing halos kumpleto na nila ang artwork at may kakaunting finishing touches na lang ang inilalapat sa higanteng sanlibong piso.

Ayon sa kanila, kinomisyon daw sila upang buuin ito bilang bahagi ng isang malaking proyekto. Ginawa ang nasabing artwork sa lungsod ng Cebu.

Makikita sa video ang nasabing monetary bill at talaga namang makikita ang husay nila sa detalye, magmula sa font, sa tamang timpla ng mga kulay ng bughaw, mga larawan na tampok sa sanlibong piso gaya ng heograpikal na imahe ng Pilipinas at ang mga bahura ng Tubbataha sa Palawan.

Narito naman ang iba't ibang reaksyon bg netizens sa nasabing video:

"Kuyawa jud nimu migo oi,,imba kaayo."

" #kmjs na yan"

"Malaking pera yan"

"Astig, detalyadong detalyado. Ultimo maliit na linya kuhang kuha.. Astig to #kmjs na yan!"

Panoorin ang video sa ibaba:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you want to stay on top with all of the latest social problems and hear people’s life stories? If your answer is “yes”, then this playlist in exactly what you need! How Do You say “cheers” In Filipino? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel