Dindgong Dantes at iba pang celebrities, suportado ang anti-discrimination bill

Dindgong Dantes at iba pang celebrities, suportado ang anti-discrimination bill

-Suportado ni Kapuso actor Dingdong Dantes ang SOGIE equality bill at nagpaalala sa kahalagahan nito

-Ito ay matapos ang insidente na kinasangkutan ni KaladKaren Davila at ng mga kaibigan nito

-Ilang artista, suportado din ang SOGIE equality bill

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-paalala si Kapuso actor Dingdong Dantes sa kahalagahan ng SOGIE Equality bill.

Ito'y matapos ang nangyari sa TV impersonator na si KaladKaren Davila, na nauna ng naibalita ng KAMI.

Isang netizen ang nag-tweet ng naging karanasan ni KaladKaren sa isang bar sa Makati, nag-tweet si Dingdong at tinanong kung anong bar ito.

Matapos ay ni-retweet ni Dong ang tweet ng netizen at nagpaalala sa kahalagan ng anti-discrimination bill.

“Yung mga may-ari at ang bouncer (na malamang ay sumusunod lang sa utos), ang mga dapat ma-educate sa kahalagahan ng SOGIE equality bill.”

Isa din si Gretchen Ho sa sumusuporta sa anti-discrimination bill at ni-retweet pa ang tweet ni KaladKaren.

Ang SOGIE Equality bill ay naglalayong mabigyan ng pantay na karapatan ang mga miyembro ng LGBTQIA community, katulad ng pagbibigay ng access sa kanila sa health services, employment, at edukasyon.

Noong nakaraang buwan, may mga artista na ring nanawagan sa pagsasabatas ng SOGIE Equality Bill.

Kabilang na rito sina Anne Curtis, Heart Evangelista, Christine Bersola-Babao, at ang basketball player na si Arnold Van Opstal.

POPULAR: Read more news about Dingdong Dantes here!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you want to stay on top with all of the latest social problems and hear people’s life stories? If your answer is “yes”, then this playlist in exactly what you need! How Do You say “cheers” In Filipino? – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel