Nilampaso ng netizens ang isang lalaking nakipagtalo sa isang drayber ng ambulansya

Nilampaso ng netizens ang isang lalaking nakipagtalo sa isang drayber ng ambulansya

- Viral ngayon ang isang private driver na nakipagtalo sa isang ambulance driver dahil sa umano'y nagasgasan ang kanyang minamanehong van ng nasabing ambulansya

- Hindi napigilang mag-init ng ulo at manggalaiti ng netizens sa lalaki dahil hindi na raw dapat siya nakipagtalo dahil emergency ang sitwasyon ng lulan ng ambulansya

- Umani ang video ng higit 600,000 views sa Facebook na inupload ni Denisse Dirssy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagngingitngit sa galit ang netizens nang mapanood ang isang viral video ng lalaking grabe kung makipagtalo sa drayber ng isang ambulance/emergency vehicle na pang-ospital. Galit daw ang nasabing tsuper dahil nagsgasan ang sasakyan niya.

Nalaman ng KAMI ang nasabing video matapos itong maging viral nang mai-upload sa Facebook ng isang concerned netizen na si Denisse Dirssy.

Gamit ang isang L300 van-type ambulance, makikitang gawing kanan ang pagliko ng nasabing ambulansya na maaaring nakagasgas sa Starex van ng isang pribadong drayber.

Mapapanood sa nasabing viral video na nanggagalaiti sa ambulance driver ang lalaki dahil sa pinagtatalunan nila kung sino ang tama sa kanila sa daan.

Ngunit ayon naman sa netizens, hindi raw dapat ganito ang maging paraan ng pagresolba nila sa isyu sa daan at bagkus ay hindi na lang dapat nakipagtalo ang private driver.

Giit nila, emergency ang sitwasyon ng taong lulan ng ambulansya at kahit saang korte raw sila magharap ay hindi mananalo ang lalaki. Lalo pa kung talagang nakaharang na raw nang maigi ang nasabing pampribadong sasakyan ay maaaring banggain upang pwersahang makaraan ang ambulansya.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa n asabing pangyayari sa daan:

"Nakaka highblood panourin .,nagawa pang makipagtalo may pasyente sa loob .,di man lang mag bigay nag considerasyon tangina ' ang sasakyan pwedi ipaayos ang buhay ng tao kahit magtumbling kpa kung di yan umabot sa ospital.,bwesit !"

"Ano utak meron ka... emergency yan. natural dapat mg.giveway ka. nimal ka nkipagtalo ka pa. Khit saan mo tingnan mali ka."

"Pag ako nagddrive at may ambulance s likod ko panic ako n mbgyan daan .. nasingit ako pra mbgyan way un emergency ..eto kapal ng muka e"

"Napaka bobo siguro binili Lang nyan lisensya nya kung saan hindi alam Ang batas bobo para sa kaalaman mo kapag may emergency vehicle kelangan tumabi ka at full stop dapat engot hanggang makalampas sila.. Nakapayabang Ang tanga naman."

Panoorin ang buong video sa ibaba:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you want to stay on top with all of the latest social problems and hear people’s life stories? If your answer is “yes”, then this playlist in exactly what you need! How Do You say “cheers” In Filipino? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel