Sunshine Cruz and Zoren Legaspi share secret behind their youthful looks

Sunshine Cruz and Zoren Legaspi share secret behind their youthful looks

- Sina Sunshine Cruz at Zoren Legaspi ang ilan sa mga celebs na parang hindi tumatanda

- Hindi halata sa kanilang mga hitsura na sila'y pawang nasa 40's na nila

- Ngayon ibinahagi nila kung bakit nila napapanatili ang kanilang mga batang mukha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maikakaila na ang mga hitsura nina Sunshine Cruz at Zoren Legaspi ay mas bata kaysa mga tunay nilang edad.

Sa mga nagtataka diyan kung bakit pawang mas bata ang dalawang Kapuso celebs na ito, tapos na ang paghihintay dahil ibinahagi na nila ang kanilang mga sikreto.

Nalaman ng KAMI na may mga similarities sa mga lifestyle nina Shine at Zoren.

Sunshine Cruz

Sinabi ni Shine na siya'y nag-eehersisyo talaga at kumakain nang tama. Isa na rin siguro sa sikreto niya ay ang pag-iwas sa bisyo.

"I don't smoke and I just drink wine occasionally."

Sinabi din niya na inaalagaan niya ang kanyang balat. "Kailangan lang bago ka matulog, magtanggal ka ng makeup kasi nakakapangit at nakaka-dry ng skin kapag hindi natin naalis ang ating makeup and drink lots of water. Kailangan hydrated tayo palagi."

"I sleep a lot and wala rin akong nightlife. Ang nightlife ko is bonding time with my children."

Zoren Legaspi

Para naman kay Zoren ang pagpapabata ay di kailangan ng masyadong effort, basta magkaroon ka lang ng healthy lifestyle ay okay ka na.

"I just workout, sleep and eat. Hindi ko alam if I look young or if I look old pero marami ang nagsasabi na I look young pero sa akin, don't put effort on it."

So ayan ang mga sikreto nila. Huwag kalimutang mag-ehersisyo at kumain nang tama. Isama na rin ang pagtulog nang maaga at iwasan na ang nightlife!

Kaya niyo? Kung yes, siguradong di mahirap mag-maintain ng ageless beauty!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel