Grabeh, grabeh! Ogie Diaz, may ibinunyag tungkol sa naudlot na GGV episode ni Sarah Geronimo

Grabeh, grabeh! Ogie Diaz, may ibinunyag tungkol sa naudlot na GGV episode ni Sarah Geronimo

- Isang netizen ang nadismaya sa umano'y pagkaudlot ng isang GGV episode

- Guest umano dito sina Sarah Geronimo at James Reid

- Sinagot ito ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa umano'y hindi na maipapalabas na episode ng Gandang Gabi Vice kung saan guests sina Sarah Geronimo at James Reid.

Ayon sa netizen, hindi daw maipapalabas ang nasabing episode dahil sa ina ni Sarah na si Mommy Divine at Viva. Nanghinayang umano siya na hindi na nakuhang maipromote ang pelikula nilang dalawang Miss Granny dahil sa pagkaudlot ng pagpapalabas nito.

Lumikha naman ito ng maraming espikulasyon mula sa mga netizens. Ayon sa ilang netizens, may nasabi si Sarah tungkol sa kanila ni Matteo na ayaw ipalabas ni Mommy D.

Meron din namang nakakaintindi at nagsabing karapatan naman ng isang ina na pangalagaan ang kapakanan ng kanyang anak.

Marami ang nagtataka sa biglaang pagkansela ng episode ng Gandang Gabi, Vice (GGV) kung saan guest sina Sarah Geronimo at James Reid.

Sa kanyang Facebook post na pinamagatang "Mama Ogs answers..," sinagot ni Ogie Diaz ang ilan sa mga katanungan ng mga netizens.

Tanong ng sender kay Ogie: “Mama Ogs, bakit po hindi in-air ‘yung guesting nina Sarah Geronimo at James Reid sa Gandang Gabi, Vice?”

“According to my source kung paniniwalaan ko, eh nag-react si Mommy Divine sa mga sagot ni Sarah sa mga intriguing questions ni Vice Ganda.

Tulad sa Guilty Or Not Guilty? segment ng GGV, sa tanong ni Vice na, “Nakapanood ka na ba ng p0rn?” Pilyang ngiti daw ang naging reaction ni Sarah tapos sinagot niya ito ng, ‘Yes, pero ‘yung sa anime lang.’

Dagdag pa ni Ogie, ayon sa source, pina trim down ni Mommy D ang ilang naughty questions hanggang sa parang wala nang natirang laman ang episode.

“Pati daw ‘yung kung was there a time na na-experience niyang matulog na may lalaking katabi at ilan pang naughty questions na pinati-trim nang pinati-trim ni Mommy Divine hanggang sa parang wala nang natitirang laman ‘yung episode, kaya minabuti na lang na ‘wag na itong iere.

“At kung kilala ko si Vice, feeling ko, ‘no more next time’ na siya sa mga ganitong eksena para makaiwas na din sa trouble at sa gastos.”

“Paano kaya ‘yon, no? Di ipinalabas so ano yon? Pinaabono sa Viva ang cost of production? Hintay tayo ng sagot mula sa mga inampalan. Baka mali din ang dinig ko," hirit pa ng komedyante.

Marami ang naaliw sa post na ito ni Ogie lalo at may iba pang katanungan siyang sinagot.

Kasalukuyang palabas ang pelikulang kinabibilangan nina Sarah Geronimo at James Reid. Ang Miss Granny ay adaptation mula sa orihinal na pelikulang mula sa bansang Korea.

POPULAR: Read more about Sarah Geronimo here

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel