Paring aktibista, sinisi ang Davao Death Squad sa mga pagtatangka sa kanyang buhay

Paring aktibista, sinisi ang Davao Death Squad sa mga pagtatangka sa kanyang buhay

- Nagpapasalamat si Father Amado Picardal sa diyos sa umano'y hindi natuloy na pagpatay sa kanya ng hinihinalang Davao Death Squad (DDS)

- Ayon pa sa kanya, sigurado siya na siya na raw ang susunod na target ng nasabing death squad

- Samantala, sinabi naman ng Malacañan na kung talagang totoo at masusuportahan ng ebidensya ang kanyang mga pagdedeklara ay dapat ay magfile na raw siya ng writ of amparo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Laking pasasalamat ni Father Amado Picardal, isang aktibista at kritiko ng extrajudicial killings at monghe ng Redemptorist Monastery sa Cebu, dahil sa umano'y hindi natuloy na pagpaslang sa kanya nitong nakaraang Agosto 11, 2018.

Nalaman ng KAMI ang balita matapos niyang ilahad ang mga naging pahayag sa kanyang blog post na inilathala nitong Linggo, Agosto 26.

Ayon sa kanya, naging mainit daw siya sa mga mata ng sikat na Davao Death Squad (DDS), isang grupo mula sa Davao na pumapaslang sa mga nalululong sa ipinagbabawal na gamot, nang walang pinipiling oras o lugar sa Davao.

Wika niya, ipinaalam sa kanya ng security guard ng nasabing monasteryo ang paghahanap sa kanya ng anim na lalaking lulan ng 3 motorsiklo noong ika-11 ng Agosto sa pagitan ng ika-5 at ika-6 ng gabi.

Napagtanto niya na maaaring natunugan daw ng DDS ang kanyang regular na gawain pagsapit ng mga oras na iyon.

'That was usually the time I would go out to the supermarket and the coffee shop. I immediately concluded that they were the death squad and I was the target. Had I gone out, there would have been no escape for me."

Mula sa karanasan, hindi na raw bago sa kanya ang ganitong modus operandi sa tulong na rin ng noo'y isa umanong miyembro ng DDS na tinalikuran na raw ang dating mga gawain.

"I recognized their modus operandi – that’s what I learned from a former member of the Davao Death Squad when we were documenting the extrajudicial killings years before. It was a close call. I thank God for protecting me." Wika niya sa kanyang blog.

Hindi rin ikinakaila ni Pacardal na maaaring may kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sunud-sunod na pagpaslang sa mga pari ng simabahang Katolika.

"Has President Duterte finally ordered my hit? Or is it just some zealous henchman trying to please him? My source informed me that that the order came from Malacanang. But I cannot confirm it. I do not have the complete answer."

"All I know is that there is a death squad determined to kill me. Whatever happens to me – whether the order came from him or not -- the blame will be placed on him for under his regime the culture of death has claimed the lives of over 25,000 people. This regime has nothing to gain in creating a martyr so those behind the project should think twice before carrying out their evil plan."

Sang-ayon naman sa naging pahayag ng Malacañan, nararapat lamang daw na mag-file na si Picardal ng writ of amparo sa korte upang mabigyang-proteksyon ang kanyang buhay, kung totoo nga raw ang kanyang mga alegasyon at kung may hawak siyang matibay na ebidensya.

"I said his remedy is to file a writ of amparo ... with the Supreme Court or any court. It can be filed even in the lower courts ‘no, and it will be acted upon expeditiously. So si Father, tama na po ‘yang pagdedeklara na ang buhay mo ay…may banta sa buhay mo." Diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ukol sa isyu.

Dagdag pa ni Roque: "Gamitin ninyo na po iyong mga remedyong legal na naririyan – writ of amparo po ‘yan. Napakadali pong makakuha niyan, mabibigyan kayo ng proteksiyon kung talagang may ebidensiya na may banta sa buhay ninyo."

POPULAR: More related stories about President Rodrigo Duterte right here!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you want to stay on top with all of the latest social problems and hear people’s life stories? If your answer is “yes”, then this playlist in exactly what you need! How Do You say “cheers” In Filipino? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel