Barbie Imperial, may mensahe sa ex-boyfriend na si Paul Salas

Barbie Imperial, may mensahe sa ex-boyfriend na si Paul Salas

- Naging usap-usapan sina Barbie Imperial at Paul Salas kamakailan

- Ito ay matapos ang kontrobersiya tungkol sa diumano'y pananakit sa dalaga

- Napatawad naman na daw ni Barbie ang dating nobyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masaya na daw si Barbie Imperial at nakapag move on na sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend niya.

Naitanong sa kanya ng Talkshow host na si Boy Abunda kamusta na umano ang lagay ng kanyang puso.

“Yes. Okay na,” sagot ni Barbie.

Mensahe niya para sa dating nobyo?

“Masaya ako. Sana ikaw din. Napatawad na kita,” pahayag niya.

Walang binanggit na pangalan ang dalaga kung sino ang kanyang tinutukoy na ex.

Ngunit alam naman ng publiko ang naging relasyon niya kay Paul Salas.

Naging maingay ang paghihiwalay nila matapos ibahagi ni Barbie ang litrato ng kanyang mga pasa at gasgas.

Naging palaisipan sa mga netizens kung paano natamo ni Barbie Imperial ang kanyang mga pasa ngunit dahil na rin sa mga posts niya tungkol sa pananakit ng taong mahal niya, tila alam na ng karamihan kung sino ang tinutukoy nito.

Sa kabila ng pagbahagi niya ng mga litrato ng kanyang mga tinamong gasgas at pasa, kahapon, July 16, muling nagbahagi si Barbie ng litrato kung saan kapansin-pansin ang mga pasa at gasgas sa kanyang braso.

Sa litratong kanyang ibinahagi ay kasama niya ang kanyang inang si Bing Imperial na base sa caption niya ay siyang kinukuhanan umano ng lakas ng loob.

"I am strong because a strong woman raised me. You're all I need mama. I love you. Thank you @imperial_bing."

Ito ang kanyang caption na tila nagpapakita na may pinagdadaanan ang dalaga. Wala mang malinaw na pahayag ang aktres tungkol sa pasa at gasgas niya, hindi maiwasang mabigyan ito ng kahulugan ng Instagram followers ni Barbie.

Sa kanayng Twitter post na kanya na ring binura sinabi ni Barbie na, “Girls, just because mahal mo ang isang tao pero sinasaktan kayo physically, hindi pwedeng patuloy yan.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel