Ogie Alcasid, inamin ang mabigat na epekto ng pag-aartista niya para sa kaniyang anak

Ogie Alcasid, inamin ang mabigat na epekto ng pag-aartista niya para sa kaniyang anak

- Ikinuwento ng aktor na si Ogie Alcasid ang epekto ng kaniyang pag-aartista sa anak na si Leila

- Gaya niya, hindi din daw nakakaiwas si Leila sa mga bashers

- Madalas naman daw nagbibigay ng payo si Ogie at tiwala ito na malalampasan iyon ng kaniyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isiniwalat ng ngayon ay Kapamilya celebrity na si Ogie Alcasid kung paano nakaka-apekto ang kaniyang pag-aartista sa anak na si Leila.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga epekto ng kaniyang showbiz career kay Leila ay ang madalas na pamba-bash ng mga netizens dito.

Inamin ni Ogie na minsan niya nang nahuli ang anak na umiiyak dahil sa kaliwa’t-kanang pang-iinsulto na natatanggap sa social media.

Minsan naman daw ay naglalabas ito ng sama ng loob sa aktor.

"Siyempre, naba-bash din. E, nandiyan yung, 'Hindi ka sisikat.' E, nahe-hurt din siya. Umiiyak minsan,” paliwanag ni Ogie sa PEP.ph.

"Sa akin (umiiyak) kasi close sa akin. Pero sabi ko, 'Alam mo anak, darami pa iyan,’” sabi pa ng Your Face Sounds Familiar judge.

Bagama’t madalas inuulan ng batikos, naniniwala si Ogie na makakayanan ng kaniyang anak ang lahat ng salita na ibinabato dito.

Sinabi ng aktor na napaka-madasalin ni Leila kaya’t kasangga niya ang Panginoon laban sa mga naninira sa kanya.

"Ay kaya niya yun,” buong-tiwalang pahayag ni Ogie.

“At saka madasalin yun. Matured. Minsan dalawang beses mag-church yun sa isang linggo. Nakakatuwa naman, kasi nakaranas ng church na gustong-gusto niya, it’s called Favor Church," dagdag pa niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagsalita ang aktor tungkol sa nakaraang issue na kinasangkutan niya at ng host na si Billy Crawford.

Bukod sa pagiging singer, kilala din si Ogie bilang isang aktor at komedyante. Bumida na siya sa ilang mga pelikula katulad ng Ang Larawan, Yaya and Angelina, at I Do Bidoo Bidoo.

Noong 1996, pinakasalan niya ang Australian beauty queen na si Michelle van Eimeren. Si Leila ang kanilang unang anak na isinilang noong October 16, 1997 at nasundan naman ng isa pang anak na si Sarah.

POPULAR: Read more news about Ogie Alcasid!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel