5 taong-gulang na bata, napatay sa suntok ng kanyang tiyuhin

5 taong-gulang na bata, napatay sa suntok ng kanyang tiyuhin

-Wala ng buhay ng matagpuan ang 5 taong-gulang na batang nawawala pa daw noong Linggo

-Nitong Lunes nakita ang bangkay nito sa isang computer shop na katabi lang ng kanilang bahay

-Ang suspek, ang kanyang tiyuhin mismo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lunes ng tanghali ng matagpuan ang wala ng buhay na katawan ng 5 taong-gulang na bata, may sugat at may lumalabas na dugo sa bibig. Natagpuan ito sa computer shop sa tabi ng kanilang bahay.

Naiulat na nawawala ang bata noong Linggo pa.

Ang suspek, ang kanya mismong tiyuhin na kusang umamin dahil nakunsensya.

Ayon sa report ng Aksyon sa News 5, inamin ng suspek na nasuntok niya sa sikmura ang biktima dahil sa nakulitan daw siya dito.

Ayon pa dito, natakot daw siya ng makitang biglang nanginig ang bata matapos niya itong suntukin kaya naman nagawa niya itong itago sa computer shop.

Kwento naman ng foster parents nito, sumama pa daw ang suspek para hanapin ang biktima noong Linggo ng mapansin nilang nawawala na ito.

Ayon naman sa imbestigasyon ng pulis, lango sa alak ang suspek ng mangyari ang insidente. At dahil sa suntok kaya binawian ng buhay ang bata dahil bumuga pa daw ito ng dugo matapos suntukin ng tiyuhin.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you want to stay on top with all of the latest social problems and hear people’s life stories? If your answer is “yes”, then this playlist in exactly what you need! How Do You say “cheers” In Filipino? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel