Alden Richards pagpapaaralin ang isang masipag na batang fan na walang mga kamay

Alden Richards pagpapaaralin ang isang masipag na batang fan na walang mga kamay

- Walang makakatanggi na isa si Alden Richards sa may pinakagwapong aktor sa balat ng showbiz

- Pero ang kagwapohan nya ay hindi lang pala sa panlabas na kaanyuan dahil mas ubod ng gwapo ang kanyang kalooban

- Kamakailan lang sa episode ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho,' ibinahagi ng show ang kwento ng isang batang fan ng Victor Magtanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unang naispatan namin ang kwento ng 8-year-old na si Niño Dayon ng taga Negros Occidental na fan na fan ni Victor Magtanggol na si Alden Richards.

Napag-alaman ng KAMI na ang naturang bata ang nagtrending ng husto dahil sa dalang inspirasyon nito sa karamihan.

Pinanganak na walang kamay si Niño pero sa kabila ng kanyang kapansanan ay hindi pa rin nawawalang ng pag-asa at puno ng buhay pa rin ang walong taong gulang na bata.

At hindi niya iniinda kung ano pa man ang hirap na pinagdaanan nito dahil masipag at matalino ito.

Tumutulong din ito sa gawaing bahay at nag isa sa paborito niyang gawain ay ang pagkarpentero.

Bumilib ang Kapuso aktor na si Alden Richards sa bata kaya naman bukod sa iba't ibang regalo na binigay ni Victor Magtanggol star ay may pinakamagandang iniregalo pa ito kay Niño na kilalang kilala ngayon bilang si "Super Niño."

Ani pa ni Alden Richards:

"Sasagutin ko na po yung pag-aaral niya po hanggang college. Hindi na po kayo mamomroblema sa pag-aaral ni Niño, Ma'am. Ako na pong bahala."

Ika nga Niño, "Mabait at gwapo pa!" si Alden Richards, at agree naman kami dyan.

Dahil dito, hindi makapigil ang mga netizens na ilarawan si Alden Richards na totoong superhero dahil sa kanyang magandang ginawa para sa bata.

Bumuhos naman ang samu't saring pagkabilib hindi lang kay Niño kung hindi dahil na rin sa kabaitan na pinakita ng Kapuso aktor at Eat Bulaga dabarkads na si Alden Richards.

"Nakakaiyak to, Salute ako sayo Niño napakasipag mong bata. Sana lahat ng bata katulad sayo, sa panahon kasi ngayon tablet at cellphone na hawak ng mga karamihang bata. Niño tuloy tuloy mo lang yan, isa ka sana maging inspirasyon sa maraming kabataang Pilipino ka hindi hadlang ang kakulangan sa pag abot ng mga pangarap. More strength to you! God Bless."
"Dahil sa episode na to na akala ko sobrang laki ng mga problema ko sa buhay at puro na lang ako reklamo sa araw araw. Maswerte pa pala ako bilib na bilib ako kay Niño, sana wag kang sumuko sa buhay. Alam kong lalo kang pagpapalain ng diyos."
"Inspired by Nino's determination and Alden's kindness ang generosity, both of you are Superheroes . Continue to be a blessing ang Inspiration to others..."
"Kaya idol na idol kita Alden... sobrang bait mo lodi... wish u good health at sana marami pang blesings dumating sau... God bless u nino...tnx KMJS"
"Bait talaga ni kuya alden hindi ka lang talaga sa tv superhero pati sa totoong buhay (emoji) more blessings pa po sa iyo kuya alden"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel